Lifestyle check sa BI personnel, officers, OK sa DOJ chief

Balita - - Balita - Jeffrey G. Damicog

Tinanggap kahapon ni Justice Secretary Menardo ang mga hakbang na isalang sa lifestyle check ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigratio­n (BI) kaugnay sa mga paratang ng pagtanggap ng suhol mula sa Chinese nationals.

Kamakailan lamang, nanawagan si Senador Risa Hontiveros ng lifestyle check kasunod ng mga paghahayag sa panahon ng pagtatanon­g ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na maraming mga opisyal at kawani ng BI ang nagsagawa ng ilegal na escort services para sa mga dumarating na Chinese nationals.

“A lifestyle check is not conclusive, but only indicative, of a government employee’s possible unethical conduct,” ipinunto ni Guevarra.

“Be that as it may, I support Sen. Hontiveros’ recommenda­tion to conduct such a lifestyle check on suspected corrupt personnel of the

BI, in the same way that lifestyle checks are conducted on suspected BIR (Bureau of Internal Revenue), BoC (Bureau of Customs), and other government officials and employees,” aniya.

Samantala, ipinag-utos ni BI Commission­er Jaime Morente ang imbestigas­yon sa escort racket na ibinunyag ni Hontiveros.

“I am deeply alarmed, hearing reports from the good senator, that this escorting modus is still persistent in our airports,” sinabi ni Morente.

“I have ordered a full-blown investigat­ion to know if such corrupt practices still exist, and to find out who are possibly part of this syndicate to file both administra­tive and criminal cases against them.”

Sinabi ni Morente na agad siyang makikipag-ugnay sa tanggapan ni Hontiveros upang humiling ng karagdagan­g impormasyo­n tungkol sa scheme.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.