18 PUI sa Cagayan, ‘di nahawa

Balita - - Balita - Liezle Basa Iñigo

Labingwalo­ng persons under investigat­ion (PUI) sa Cagayan ang nagnegatib­o sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inulat ni Dr. Jose Carlo Valencia, pinuno ng Infection Control Committee ng Cagayan Valley Medical Center kay

Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano sa isang pagpupulon­g kamakailan.

Ipinost na rin ito ng Tuguegarao City government sa kanilang official Facebook account .

Kasabay nito, sinabi ng nasabing opisyal na nakalabas na sa iba’t ibang ospital ang 18 PUI.

Pinayuhan din ni Valencia ang publiko sa tamang paghuhugas ng kamay at “proper cough etiquette” upang maiwasan ang pagkalat ng anumang sakit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.