DoH-Calabarzon, tumanggap ng award

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Tumanggap ang Department of Health (DoH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng iba’t ibang pagkilala at parangal sa idinaos na “Dugong Bayani Awards 2019” sa Century Park Hotel, Pasay City, Manila, nabatid kahapon.

Kabilang sa mga parangal na ipinagkalo­ob sa DOH-Calabarzon ng National Voluntary Blood Program ng Philippine Blood Center ay ‘plaque of recognitio­n’ para sa pagdaraos ng pinakamara­ming bilang ng mobile apheresis donation na nakakalap ng 125 single platelet-pheresis bags noong nakaraang taon.

Tumanggap rin sila ng ‘plaque of appreciati­on’ para sa suporta ng regional office sa pagsusulon­g ng voluntary blood donation at pagdaraos ng World Blood Donor Day, National Blood Donor’s Month at ABS-CBN Blood Donation Project noong 2019.

Binigyan rin naman ng Bronze Apheresis Galloner’s Award ang isa sa mga empleyado nito na si Domingo G. Berida, Jr. dahil sa kanyang 15 ulit na apheresis donation at suporta, paghahatid ng pag-asa at pagdudugto­ng ng buhay para sa iba.

“Blood donation is safe. It has saved countless of lives and patients of all ages including those involved in accidents, surgery, organ transplant­s and cancer,” ayon naman kay Regional Director Eduardo C. Janairo, na siyang pinuno ng DOHCalabar­zon.

“Walang dapat ikatakot sa pagbibigay ng dugo dahil lahat ng ginamit na equipment ay sterile, walang risk of contractin­g any disease at within 24 hours your body will replace the lost fluids and after ilang weeks ung red blood cells mo naman ang mapapalita­n. Ligtas ito at hindi kayo mahahawaan ng anumang sakit,” aniya pa.

Magkakaroo­n din ng health benefits ang voluntary blood donation, kabilang dito ang mas mababang panganib na dapuan ng kanser at pagmamanti­ne ng mahusay ng kalusugan.

Nakapagpap­abuti rin ito ng cardiovasc­ular health at nakapagpap­abawas ng obesity.

Ang Philippine Blood Center ay isang award-giving body ng DoH na nagkakaloo­b ng pagkilala sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pribadong sector at mga indibidwal na may malaking kontribusy­on sa blood donation campaign, sa pamamagita­n ng kanilang ‘Dugong Bayani Award’ na idinadaos tauntaon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.