23 rebelde, sumuko sa Mindanao

Balita - - Balita - Ni JOSEPH JUBELAG

ALABEL, SARANGANI – Sumurender sa pamahalaan ang aabot sa 23 miyembro umano ng New People’s Army (NPA) sa Sarangani at Davao Occidental, kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Ronaldo Valdez, 73rd Infantry Battalion commander.

Aniya, nagpasyang sumuko ang mga ito dahil sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan kaban sa mga rebelde sa naturang mga lalawigan.

Ang 23 rebelde ay kaanib aniya ng NPA- Guerilla Front 71 na nagkawat-watak na ang mga miyembro dahil na rin sa walang humpay na kampanya ng gobyerno.

Napilitan aniyang sumurender ang mga ito matapos sumuko sa militar ang kanilang kumander na si Richard Muda at ang political officer nila na si Joan Iwag sa Alabel, noong Enero 28.

Isinuko rin ng mga ito ang kanikanila­ng armas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.