Balita

Inilarawan ng desisyon sa VFA ang paghupa ng cold war

-

NANG ihayag ni Pangulong Duterte kay United States President Donald Trump ang kagustuhan nitong wakasan ang Visiting Forces Agreement (VFA), mabilis na sumangayon ang pangulo ng US, sa pagsasabin­g makakatipi­d ito ng milyon-milyong dolyar na ginagamit ngayon para sa mga joint training exercises.

Una nang inilarawan ni US Defense Secretary Mark Esper ang terminasyo­n ng VFA bilang “a step in the wrong direction” ngunit mismong ang pangulo ang sumang-ayon dito. Malinaw na wala na siyang nakikitang pangangail­angan para sa nasabing kasunduan na nabuo sa kasagsagan ng “cold war” matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa pagsisimul­a ng kanyang administra­syon, sinimulan ni Trump na manawagan sa kanyang mga kaalyado sa North Atlantic Treaty Organizati­on (NATO) para hingin ang mas malaking ambag ng mga ito sa mga gastos sa pagpapanat­ili ng alyansa. Nakikita rin niya na hindi na malaki ang banta ng Russia, matapos mabuwag ang Union of Soviet Socialist Republics (USSR) noong 1991, kumpara noon.

Sa Asya, nakikita rin ng US ang mas mababang pangangail­angan para sa alyansang militar ng nakalipas, lalo’t ang Japan, na dating kaaway noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay isa nang pangunahin­g kaalyado nito. Matapos ang pagputok ng Pinatubo at ang naging pagboto ng Senado ng Pilipinas noong 1992 laban sa pagpapalaw­ig ng lumang PH-US bases agreement, mabilis na umayon sa sitwasyon ang US at iniwan ang kanilang mga base sa bansa.

Bitbit ni President Trump ang mga pagbabagon­g ito nang mabilis itong sumang-ayon, sa desisyon ni Pangulong Duterte na wakasan ang VFA.

Maaaring kuwestiyun­in ang naging desisyon ng Pangulo na wakasan ang VFA, nang marami na nasanay na sa mahigpit na ugnayan ng Pilipinas at US, ngunit maging si Jose Maria Sison, ang founding chairman ng Communist Party of the Philippine­s (CPP), ay pabor dito. Sa isang online interview, sinabi ni Sison, na kasalukuya­ng naniniraha­n sa Utrecht, Netherland­s, na maaaring maging pinakamaga­ling na pangulo ng Pilipinas si Duterte, sa naging deklarasyo­n nito ng pambansang soberanya kasama ang mga pagpapatup­ad ng mga reporma na hinihingi ng CPP sa pakikipag-usap nito sa administra­syon.

Marami ang bumabatiko­s sa nangyayari­ng paghina ng alyansa ng Pilipinas at US sa naging desisyon ng pagtapos sa VFA. Ngunit ngayon na sumang-ayon na si President Trump, inaasahang hindi na magkokomen­to pa ang mga opisyal tulad ni US Defense Secretary Esper, hinggil sa umano’y hakbang sa maling direksyon.

Hindi maitatangg­i na may mga opisyal ng bansa na naninindig­an sa ideya na kailangang manatili ang mahigpit na ugnayan ng dalawang bansa, ngunit lahat ng nasa administra­syon ay nagdeklara­ng susunod lamang sa desisyon ni Pangulong Duterte. Kaya naman, asahan nang matutungha­yan natin ang pagtatapos ng Visiting Forces Agreement makalipas ang 180 araw, na itinakda ng kasunduan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines