Balita

Homecoming

- Manny Villar

HIGIT isang linggo na ang nakalilipa­s, nasilayan ko ang nakaraan, kasalukuya­n at hinaharap.

Idinaos ng Class 1970 ng UP College of Business Administra­tion, kung saan kami kabilang ng aking asawa, ng 50th year homecoming. May ilang aktibidad ang isinagawa upang ipagdiwang ang okasyong ito ng aming batch at isa rito ang pagtitipon na aming pinangunah­an sa bahay namin sa

Las Piñas. Tama, 50 taon ito mula noong kolehiyo.

Mahabang panahon ang 50 taon. Kahalating siglo kung tutuusin. At nakalulugo­d isipin na limang dekada na ang nagdaan mula nang lumabas kami ng UP campus upang tahakin ang mundo na kinabibila­ngan namin ngayon. Nang lisanin namin ang UP, radikal na naiiba ang mundo mula sa kasalukuya­n pinamumuha­yan natin. Marami ang nagbago. Nagbago kami.

Tinahak ng class of 1970 ang tunay na mundo na patuloy sa pagbabago. Maraming bagay—sa ating komunidad, sa ating bansa—na nagpabago sa ating mundo at kung paano natin tingnan ang mundo. Ipinagmama­laki kong bahagi ako ng batch na ang mga miyembro ay gumawa ng malaking pagbabago sa paghubog ng kinabukasa­n. Marami sa amin ang naging kapitan ng mga industriya, lider sa mga komunidad, sa pamahalaan, tatay at nanay, asawa, nakamit ang katauhan na kanilang pinangarap.

Pinaka isensiya ng homecoming o reunion, ang pagbabalik sa iyong pinanggali­ngan. Patungkol ito sa atin, na matapos ang mahabang paglalakba­y sa mga sulok ng mundo kung saan tayong lahat ay nagtagpo sa isang punto ng ating buhay. Sigurado akong nakadalo rin kayo ng isa o dalawang reunion ng iyong high school o kolehiyo. Masayang balikan ang mga kuwento noong mas simple ang buhay.

Sa panahon ng homecoming at reunion natin inaalala ang nakalipas na ating pinagsamah­an. Ang pinakamaga­galing na guro na nagpasaya sa ating pag-aaral. Ang istriktong guro na tumatakot sa atin upang maging mabuting tao tayo. Sa homecoming­s at reunion natin binubuhay ang mga espesyal na sandali ng ating buhay. Maaaring ang kasintahan natin noong nasa unang taon pa lamang tayo ng pagaaral, na kalaunan ay naging bahagi na ng iyong buhay. O ang sikretong crush na nanatiling lihim hanggang ngayon. Mga kaibigang naging kaaway at mga kaaway na naging kaibigan panghabamb­uhay.

Ngunit dito, ibinabahag­i rin natin ang sarili nating paglalakba­y. May maganda at masama. Ngunit laging natututo sa karanasan. Ibinabahag­i rin natin ang napagtagum­payan natin. Pagbabahag­i sa tagumpay at kabiguan dahil batid natin ang naitulong nito upang maging mas mabuting tao tayo. Sa katunayan, ito ang pinaka-enjoy ko, ang mabatid ang nangyari sa mga kaibigan, kung paano sila umunlad at lumago, kung paano sila naghirap at tumayo mula sa mga pagsubok.

Sa isang banda, ang homecoming ay ang pagtatagpo ng kasalukuya­n at nakalipas. Ito ang dahilan kung bakit ang pag-alala sa mga naging away o tampuhan noong sa mas batang yugto pa tayo ng buhay ay itinuturin­g nating maliit na bagay ngayon. Ito ang dahilan kung bakit natin inaalala ang ating mga pagkakamal­i ng walang pagsisisi ngunit may kasamang pagmamalak­i dahil nagawa nating malampasan ang mga pagsubok na iyon.

Sa pagpapakah­ulugan, ang homecoming ay patungkol din sa hinaharap. Isa itong pagbibigay­pugay sa ating alma mater na humubog sa atin kung ano man tayo sa kasalukuya­n. Sa aming kaso, malaki ang aming pasasalama­t sa UP para sa paghubog n gaming kinabukasa­n. At ipinagmama­laki kong ang aking mga batchmates na walang sawang nagbibigay sa UP at sa Kolehiyo sa pamamagita­n ng pakikibaha­gi sa pagsisikap upang masiguro na magpapatul­oy ang UP sa pagsasanay ng pinakamaga­galing at pinakamata­talino. Maipagmama­laki ko ang naibigay sa aking oportunida­d na malaman ang maraming tao na ang mga kuwento, hangarin, at pananaw, ay nagpalakas sa aking paniniwala sa ating abilidad na mabago ang mundo sa kabila ng mga pagdududa sa paligid natin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines