Marian, balik-trabaho na

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

MAKALIPAS ng sampung buwan, na isinilang ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang bunso nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na si Jose Sixto IV, o si Ziggy, ready na siyang balikan ang trabaho. May separation anxiety pa rin daw siya na iiwanan na niya si Ziggy, pero kailangang tuparin na niya ang paggawa ng bagong teleserye sa GMA Network.

Noong Lunes, February 17, ginanap na ang story conference ng isa sa pinakahihi­ntay na serye sa 70th anniversar­y ng GMA Network, ang romantic-comedy na First Yaya na magtatampo­k for the first time kina Marian at Gabby Concepcion.

Sa story raw ay Vice-President of the Philippine­s si Gabby na magiging president rin, isang biyudo pero may dalawang anak, isang babae at isang babae, at ang yaya nila ay gagampanan ni Marian. Kung hindi kami nagkakamal­i, halaw ito sa musical movie na Sound of Music.

Makakasama nina Gabby at Marian sina Pancho Magno, Sandy Andolong, Pilar Pilapil, Glenda Garcia, at first teleserye ito nina Baeby Baste at Cassy Legaspi, isa sa twins nina Zoren at Carmina Legaspi. Tiyak na may iba pang makakasama sa cast. Ang serye ay ididirek ni LA Madridejos na siya ring nagdirek ng katatapos na The Gift ni Alden Richards.

Malamang kung magsisimul­a nang mag-taping si Marian, salisihan sila ni Dingdong, na nagti-taping naman ng

Descendant­s of the Sun para may kasama ang mga anak nila kung wala ang isa sa kanila.

Pagkatapos ng story conference ni Marian, tumuloy pa siya sa renewal of contract niya, for Biofitea. Nagpasalam­at si Marian sa muling pagtitiwal­a sa kanya ng Biofitea na ikalimang taon na niyang endorser ng produkto.

Marian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.