Balita

Davao Cocolife-Tigers, angat sa Bicol Volcanoes

-

PUMOSTE si King Tiger Mark Yee ng double-double sa playoff upang pangunahan ang Davao Occidental Cocolife sa 77-71 panalo laban sa Bicol Volcanoes sa Game 1 ng kanilang South Division playoff nitong Lunes sa Maharlika Pilipinas Basketball League sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

Ang bisitang Bicolanos ang nagdikta ng tiyempo sa pagsabog ng opensa sa perimeter at sa long distance upang tanganan ang bentahe, 36-27, sa halftime.

Ngunit, ang lalim ng bench ng Davao squad ni Dumper Party List Rep. Claudine Bautista na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque ay nagsilbing ‘Big Difference’ upang masakote ang kalamangan sa pagtatapos ng ikatlong yugto 55-53.

Ang magkasunod na dagger treys nina Ivan Ludovice at Joseph Terso sa papatapos nang pinal na yugto ay naglagay sa ligtas na puwesto ng Tigers pero manatiling palaban ang Volcanoes na tumangging manahimik.

Ang isang back -to -back na pagsabog ni Jay Garcia ang nagpalapit sa Bicol ,71-74 wala nang isang minuto sa labani na naging danger zone naman para sa host team.

Ang kombersiyo­n ni Ludovices sa charity line ang sumelyo ng panalo para sa Davao na naghatid sa kanila tungo sa sang panalo na lang tungo sa pagsulong ng koponan sa susunod na yugto ng playoff (final four)ng liga na inorganisa ni Senador Manny Pacquiao.

Nais namang rumesbak ng Bicol kontra Tigers sa Biyernes sa Batangas City.

“Ipagpapatu­loy lang namin ang dapat gawin sa susunod na laro at pokus llang sa depensa at talino sa laro.Respeto rin sa kalaban dahil lahat ay magagaling,” ayon kay Mark Yee na umiskor ng 20 puntos, 12 rebound at 4 assists.

Iskor:

Davao Occidental-Cocolife 77 - Yee 20, Calo 18, Robles 11, Ludovice 10, Mocon 6, Custodio 5, Saldua 4, Terso 3, Raymundo 0, Balagtas 0.

Bicol-LCC Stores 71 - Garcia 15, Lalata 12, Alday 11, Buenafe 10, Aldave 8, Guerrero 4, Ongteco 4, Lao 3, Mondragon 3, Manalang 1, Gusi 0, Salinas 0.

Quartersco­res: 14-20, 27-36, 55-53, 77-71.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines