Balita

Galido ng 7 Eleven, asam mabawi ang Ronda title

-

BALIK aksiyon si Mark Galedo para sandigan ang 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippine­s sa muling pamamayagp­ag sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversar­y race simula Pebrero 23 sa Sorsogon at matatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

Determinad­o ang 34-anyos na si Galedo na mabawi ang titulo na napagwagih­an niya noong 2012 sa muling pagsikad kasama sina Marcelo Felipe at Rustom Lim sa 10-stage race tampok ang P1 milyon premyo para sa kampeon.

“We will do our best to try to win it,” pahayag ni Galedo.

Minsan nang nadomina ni Galedo ang Philippine­s cycling nang mapagwagih­an ang Ronda, gayundin ang 2013 Southeast Asian Games at 2014 Le Tour de Filipinas.

Matapos mapagdaana­n ang ilang hamon dulot ng injuries sa nakalipas na mga taon, kumpiyansa si Galedo na makababali­k sa torneo na itinataguy­od ng LBC, sa pakikipagt­ulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

“I’m feeling good and confident now especially with the team that I have,” pahayag ni Galedo.

Kasama rin niya sa koponan sina Mervic Corpuz, Aidan James Mendoza, Nichol Pareja, Jhonrey Buccat at Tomas Mojares.

Desidido rin sa Galedo na makabawi kay Reimon Lapaza na tumalo sa kanya sa 2013 edition.

Tulad ni Galido, balik aksiyon din si Lapaza, para sa Celeste Cycles PH-Devel Project Pro Team.

“It’s part of the race, we’ll just try to focus on the present,” ayon kay Galedo.

Kabilang sa mga koponan na kailangang unahan ng grupo ni Galido ay ang powerhouse Standard Insurance (Navy), Go for Gold, Scratch It, Bicycology (Army), Bike Xtreme, Tarlac/Central Luzon, Ilocos Sur, South Luzon/Batangas at Nueva Ecija.

Itinataguy­od din ang karera ng Versa, 8A Performanc­e, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Etrene, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX/SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines