Balita

KASADO NA!

Preparasyo­n sa FIBA 3x3 World Tour buo na; 4-man PH Team sa OQT inilabas ng SBP

- Ni EDWIN ROLLON

KINATIGAN ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio nitong Martes ang rekomendas­yon ng Selection Committee na isalang sa 4-man Philippine Team na sasabak sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sina Chooks-To-Go 3x3 top player Joshua Eugene Munzon, Alvin Pasaol, Moala Tautuaa at CJ Perez.

Mula sa mahigit 20 playercand­idate, napili ng SBP Selection Committee na pinamumunu­an ni Executive Director Sonny Barrios, kasama sina coach Jong Uichico, Pat Aquino, Ronnie Magsanoc at Chooksto-Go 3x3 Director Eric Altamirano, ang apat na magtatangk­ang makasikwat ng slots para sa Tokyo Games.

Ang 6-foot-4 na si Munzon ang No.1 ranked 3x3 player sa bansa. Miyembro siya ng Pasig sa Chook-toGo Pilipinas 3x3 at naglalaro sa AMA Online sa PBA D-League. Sumabak din ang Fil-Am swingman sa Saigon Heat at Westports Malaysia Dragons sa Asean Basketball League.

Miyembro naman ng University of the East sa UAAP si Pasaol at kasalukuya­ng naglalaro sa Zamboanga Family’s Brand Sardines sa Maharlikha Pilipinas Basketball League (MPBL).

Bahagi naman ng 30th SEA Games gold medal team ang 6-foot-8 center na si Tautuaa, ang No.1 overall pick sa 2015 PBA Draft, gayundin si Perez, liyamado sa PBA Rookie-of-theYear award matapos sandigan ang Columbia Dyip.

Ang 3x3 OQT ay nakatakda sa Marso 18-22 sa Bengaluru, India. Kabuuang 20 koponan ang kompirmado­ng sasabak sa torneo kung saan nakataya ang Tokyo Olympics slots sa mangunguna­ng tatlong bansa.

Inilabas ng SBP ang desisyon kasabay sa pagpupulon­g nina Internatio­nal Basketball Federation (FIBA) head of 3x3 basketball Ignacio Soriano at Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 chief Ronald Mascariñas bilang paghahanda sa hosting ng Manila leg ng World Tour Masters na nakatakda sa Mayo 2-3 sa SM Megamall Fashion Hall sa Pasig City.

“For us, Chooks-to-Go has been having excellent 3x3 activities. Last year, they sent teams in the World Tour,” pahayag ni Soriano sa media conference matapos ang pagpupulon­g.

“So, we believe that it’s a great move to be back here with Chooksto-Go on our side. 3x3 really belongs here,” aniya.

Inilunsad at inorganisa ng Chooksto-Go ang 3x3 league na kinikilala ng FIBA. Sumabak din ang Team Philippine­s sa World Tour Masters sa abroad at Challenger­s league at nag-host ng Super Quest at Manila Challenger.

Bunsod nito, nakakuha ang bansa ng kinakailan­gang puntos upang magkwalipi­ka sa Olympic Qualifying Tournament sa Marso sa India.

“The main purpose of this is to discuss our preparatio­n for the Manila Masters. We are just so glad that FIBA is strengthen­ing its ties with us,” pahayag ni Mascariñas, pangulo ng Bounty Agro Ventures Inc.

Iginiit ni Mascariñas na tapik sa balikat sa programa ng bansa sa 3x3 ang hosting ng World Tour kung saan darating ang pinakamahu­husay na player sa mundo, kabilang ang reigning World Tour champion Novi Sad of Serbia at World No. 9 Sakiai Guldel of Lithuania.

“It’s really a treat for Filipino basketball fans as the best clubs in the world are playing on our soil. It will also be a huge boost for our points, this time for the Paris Olympics,” aniya.

 ??  ?? IKINATUWA ni FIBA 3x3 basketball head Ignacio Soriano (kanan) ang kahandaan ng bansa sa hosting ng Manila leg ng World Masters Tour matapos ang pakikipagp­ulong kay Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 chief Ronald Mascariñas.
IKINATUWA ni FIBA 3x3 basketball head Ignacio Soriano (kanan) ang kahandaan ng bansa sa hosting ng Manila leg ng World Masters Tour matapos ang pakikipagp­ulong kay Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 chief Ronald Mascariñas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines