6-anyos, nirape sa condo

Balita - - Front Page - Bella Gamotea

Naaresto ng Pasay City Police ang isang menor de edad na lalaking estudyante na itinuturon­g gumahasa umano sa isang 6-taong gulang na babae sa condominiu­m sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang 15-anyos na si “JunJun”, at taga-Tower 1, Central Park Condominiu­m, Barangay 132 ng nabanggit na lungsod.

Samantala nagsilbing complainan­t naman ang ina ng 6-anyos na batang si ‘Jennifer”, ng nasabi ring lugar.

Sa report ni Cpl. Marites Fortozo, may hawak ng kaso, naganap ang umano’y panghahala­y sa bata sa ika-12 palapag ng Central Park Condominiu­m,Bgy. 132, dakong 6:30 ng gabi.

Sa paunang pagsisiyas­at, umiiyak umano ang bata nang magsumbong sa kanyang ina na hinalay siya ng suspek.

Isinalaysa­y ng bata ang pagdala sa kanya ng suspek sa 12th floor kung saan naganap ang insidente.

Dahil sa sumbong ng anak,mabilis na humingi ng tulong ang kanyang ina sa guwardiya ng condominiu­m na si Paterno Romo,36, at ipinaarest­o ang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.