Off-campus activities, larga na basta mag-ingat sa virus –DepEd

Balita - - News - Ni INA HERNANDO MALIPOT

Maaari nang magpatuloy ang mga aktibidad sa labas ng campus pati na rin ang iba pang pambansa at pang-rehiyon na mga kaganapan na kinasasang­kutan ng mga mag-aaral at guro na pansamanta­lang nasuspinde dahil sa banta ng 2019 novel coronaviru­s disease (COVID-19) simula sa susunod na linggo, sinabi ng Department of Education (DepEd).

Sa paglabas niya ng DepEd Memo No. 23, series of 2020 o ang “Third Set of Policy Directives on COVID-19,” ipinahayag ni

Education Secretary Leonor Briones na “all DepEd units may already resume the conduct of national, regional, and/or off-campus activities” simula sa Peb. 24, 2020, “provided all precaution­ary measures” na tinukoy ng DepEd at ng Department of Health (DOH) ay “strictly followed.”

Nauna rito, iniutos ng DepEd ang pagsuspind­e sa mga aktibidad na kinasasang­kutan ng lahat ng mga magaaral at guro – lalo na sa mga pambansa at panrehiyon­g aktibidad na nakatakda ngayong

Pebrero.

Kabilang sa mga pambansang aktibidad na sinuspinde bilang pag-iingat laban sa COVID19 ay ang National Science and Technology Fair (NSTF), National Festival of Talents (NFOT), at National Schools Press Conference (NSPC). Sinuspinde rin ang off-campus activities gaya ng educationa­l tours at field trips, hanggang hanggang sa susunod na abiso.

Samantala, pinapayaga­n ang in-campus activities hangga’t sinusunod ang mga protocol sa COVID-19.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.