Senado, diringgin ang ABS-CBN franchise sa Peb. 24

Balita - - News - Vanne Elaine P. Terrazola

Napagpasya­han ng Senado na ipagpaliba­n ang kanyang panghapong sesyon sa Lunes, Pebrero 24, upang bigyang-daan ang pagdinig ng Public Services Committee sa franchise renewal ng ABSCBN.

Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na sinabing bago magtapos ang kanilang sesyon nitong Miyerkules ay sumang-ayon ang karamihan ng mga miyembro ng chamber na payagang ganapin sa session hall ang “very important hearings”.

Bago ito, isiniwalat ni Senador Grace Poe na inilipat sa Lunes ang talakayan ng public services panel tungkol sa pagpapanib­ago sa franchise ng ABS-CBN.

“To allow our colleagues to utilize all our rooms on Monday for very important hearings, particular­ly the Session hall, we move to adjourn session... three o’clock in the afternoon, of Wednesday, February 26, 2020,” sinabi ni Zubiri sa kanyang mosyon, na sunod na inaprubaha­n ni Senate President Vicente Sotto III.

Sinabi niya na ang pagsuspind­e sa sesyon ng Lunes ay napagpasya­han ng Senado matapos magpahayag ang mga senador ng planong dumalo sa pagdinig sa franchise renewal.

“About 80 percent of senators have signified that they will be attending so we are expecting a full house in terms of the membership of the Senate to attend and question resource persons,” sinabi ni Zubiri sa isang panayam.

“The committee of Sen. Grace Poe will have enough time - even if she wants all the way up to the evening - to be able to propound questions on the resource persons on this franchise applicatio­n,” sinabi pa niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.