2 parking attendant ng MTPB, ikinulong

Balita - - News - Ni MARY ANN SANTIAGO

Dalawang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang kaagad na binitbit sa presinto ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) matapos umanong mabigong makapag-remit ng kanilang P5,000 koleksiyon sa parking fee sa Binondo, MaYnila nabatid kahapon.

Kasong qualified theft ang kakaharapi­n ng mga MTPB personnel na sina Rogelio Rarogal, 58, ng 488 Jabonero Street at Divino Binza, 39, kapwa parking attendant sa San Nicolas Street, at parehong residente ng Binondo.

Batay sa ulat ni PMAJ Rosalino Ibay Jr., hepe ng SMaRT, dakong 1:35 ng hapon nang bitbitin ang dalawa sa loob ng opisina ng MTPB sa Manila City Hall Building sa Arroceros Street sa Ermita.

Sa ulat ni PSSgt. Oscar Vargas Jr., may hawak ng kaso at naka assign sa

MPD DID- SMaRT, nag-ugat ang pag-aresto nang magsinunga­ling ang dalawa at sabihin sa kanilang superior na nai-remit na nila P5,000 koleksiyon sa parking fee, gayung hindi pa umano nila ito naibibigay.

Bukod naman sa kasong qualified theft, sasampahan rin ang dalawa ng kasong administra­tibo at posibleng masibak sa MTPB kung mapapatuna­yang may nagawang pagkakamal­i.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.