5 naaktuhan sa droga, boga

Balita - - News - Bella Gamotea

Limang katao, kabilang ang isang menor de edad ang dinakip ng pulisya sa isinagawan­g buybust operation sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Richard Rosin, alyas “Boy”, 42; Raffy Luminda, 42,may asawa; Hamra Kalon,30; Camarudin Glang,alyas “Thong”, 26, constructi­on worker, may asawa, at 17-anyos na lalaki, pawang tagaPurok 3,Barangay New Lower Bicutan, ng nabanggit na siyudad.

Sa ulat ni officer-on-case Cpl. Pascual Jile Cherwaken, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa pangunguna ni S/M/S Sherwin Bangayan, laban sa mga suspek sa C-6 Ulingan Purok 3, Bgy. New Lower Bicutan, dakong 3:00 ng madaling araw.

Nasamsam sa mga suspek ang limang pakete na naglalaman ng hinihinala­ng shabu na nagkakahal­aga ng P17,000; P300 buy-bust money;digital weighing scale; cellphone; isang cal. 38 revolver na may dalawang bala; isang improvised firearm at apat na pirasong 12 gauge ammunition­s.

Ayon pa sa report,narekober ang mga baril sa pag-iingat nina Glang at ng 17-anyos na suspek.

Patuloy na iniimbesti­gahan ng awtoridad ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.