2 spa na may ‘extra service’ sinalakay

Balita - - News -

Nasagip ng pulisya ang limang babae matapos na salakayin ang dalawang spa na nag-aalok ng extra service sa Bacoor City, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ng Bacoor City Police, nakatangga­p sila ng ulat na bukod sa masahe ay nag-aalok pa ng extra service sa pamamagita­n ng pakikipagt­alik ang mga masahista sa Tirona Highway sa Barangay Mabolo III at sa Barangay Bayanan.

Nag-aalok ng P3,500 hanggang P4,500 ang mga masahistan­g babae at maging ang mga masahistan­g lalaki.

Sa isinagawan­g operasyon ng pulisya, nagpanggap na customer ang isang pulis at sa aktong nagaalok ng extra service ang isang masahista ay nilusob na ito ng mga awtoridad.

Sa pagsisiyat, huli umano sa aktong ang tatlo sa mga masahista na nag-aalok ng extra service.

RIZALDY COMANDA

Fer Taboy NABISTO Isa na namang plantasyon ng marijuana ang nadiskubre ng La Trinidad Municipal Police at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA)-Cordillera sa Sitio Kolong, Barangay Wangal, La Trinidad, Benguet, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.