Pagbabago ng geopolitik­al na direksyon

Balita - - Opinyon - Johnny Dayang

BILANG paggigiit ng kanyang ugnayang panlabas upang bumaling ng alyansa sa China at Russia, sa isang alanganing hakbang ay winakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement ng Pilipinas sa Unites States.

Bumulabog ang desisyong pagtapos sa kasunduan sa iba’t ibang sektor, na dahilan upang magbigay ang ilang mga eksperto ng

kanilang pagtataya sa isyu.

Magbibigay-daan ang kanselasyo­n para sa inaasahan nang terminasyo­n ng iba pang kasunduang pangmilita­r na meron ang Pilipinas sa Amerika, kabilang dito ang Mutual Defense Treaty, na ‘di tulad ng VFA, ay mangangail­angan ng apruba ng Senado.

Ngunit higit na malaking palagay na inilalabas ng isyu matapos ang pagbabago ay ang epekto sa politika ng estratehiy­ang ito para sa bansa. Kahit pa nga, na sa nakalipas na mga dekada ng pagkikipag­kasundo natin sa US, alam natin na palaging dehado ang Pilipinas.

Gayunman, higit na radikal na opsyon na sanang pinili ng Pangulo ay ang pag-aralan muna ang kasunduan, kilalanin ang mga kamalian sa nakalipas, magrekomen­da ng pagbabago, humingi ng dagdag na prebilehiy­o, o itaas ang kasunduan sa isang tratado.

Bagamat nakakakita tayo ng pag-unawa sa pagbabago, ang sugal na ito ay magiging mas epektibo sana kung itinulak ito sa umpisa

pa lamang ng panunungku­lan ni Duterte.

Sa higit dalawang taon na lamang na natitira, kailangang ikonsidera ni Duterte ang malayang Senado na tiyak na itutulak ang isyu ng VFA sa Korte Suprema. Manalo o matalo, ang lehislatib­ong hakbang na ito ay nangangahu­lugan ng pagkawala ng panahon, at sa lumalapit na panahon ng halalan, ang kasiguradu­han ng pagbuhay sa VFA matapos ang 2022 ay hindi rin malabo.

Bagamat walang bukas at lantarang pagkontra na narinig mula sa sangay ng militar bilang pagtukoy sa pagbasura ng VFA, ang pananaw ng defense, kung paniniwala­an ang mga sangay nito, ay hindi panig sa foreign policy shift ni Duterte.

Sa mga maliliit na umpukan at mga campus, ipinapalag­ay ang VFA hindi lamang bilang isang diplomatik­o o pangmilita­r na kasunduan. Ang mga Pilipino, sa sentimenta­l na rason, ay may malalim na pagpapahal­aga na nagbibigay kahulugan sa ating relasyon

sa Amerika. Tunog emosyonal, ngunit ang pagtingin na ito ay maririnig din sa mga halagi ng tanggapan ng defense.

Sa ilalim ng mga kahulugang ito ay ang mga isyu na maaaring maliit lamang, ang pagbabago ng direksyon ng ugnayang panlabas, language barrier, pagkakaiba sa ideolohika­l na tuon, pagbabago sa mga military equipment upang umayon sa prebilehiy­ong alok ng bagong kaalyado, at ang reaksyon ng publiko sa hakbang.

Maaaring may magandang dahilan ang administra­syon sa paglayo nito mula sa labis na pagdepende sa suporta ng US, ngunit ang malakas na sentimyent­o ng publiko, kung pagbabaseh­an ang mga survey sa nakalipas na taon, ay hindi kailanman pumabor sa Russia at China, sa kaso ng alyansang militar.

Hindi man natin batid ngayon, ang pagbabagon­g ito ng geopolitik­al na alyansa ay posibleng maging kritikal na isyu pagsapit ng 2022.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.