Bakit sinapak ni Herbert si Enrique?

Balita - - Showbiz - Ni REGGEE BONOAN Liza at Enrique

MAGKAKABAL­IKAN kaya sina Billy (Liza Soberano) at Gabo (Enrique Gil) kapag nalaman ng huli na ang girlfriend niyang si Rio (Katarina Rodriguez) ay nakipag one-night stand sa lalaking nakilala niya sa bar, base sa umereng episode ng Make It With You nitong Miyerkules.

Masama kasi ang loob ni Rio kay Gabo dahil nahuli niya si Billy sa bahay ng boyfriend isang araw pagkatapos ng Araw ng mga Puso, sa madaling salita, magkasama ang mag-ex kinagabiha­n.

Sa huling panayam namin sa LizQuen kung paano nila ise-selebra ang Valentine’s Day ay sabay silang sumagot na may taping sila ng Make It With You.

Pero mabilis ang utak ni Liza dahil, “kaming dalawa wala siguro kasi may work po kami, baka sila (Gabo at Rio) kasi sila ang mag-dyowa sa story.”

May laman ang sinabing ito ni Billy pero mabilis din ang writers ng MIWY dahil nagawan nila ng paraan na ang dalawang bida ng teleserye ang magkasama sa V-day episode nila kahit na hindi magka-date.

Nagyayang mag-bar si Billy sa mga kaibigan niya kasama si Isputnik (Khalil Ramos) dahil masama ang loob niya kay Gabo dahil hindi nito in-approve ang proposal niya para sa mga bagong produkto ng Tinapay Corner dahil Global market ang target nila gayung gawang Pinoy ang sinasugges­t ng dalaga.

Ang proposal ni Billy sa harap ng board member’s para sa bagong lasa o

bagong bihis ng mga tinapay na idadagdag nilang paninda ng Tinapay Corner tulad ng Kabayan with Chocnut, PInagong, Putok, at ang famous na Panderegla (paborito namin) na lalagyan ng Red Dragon Fruit

Jam.

Gustung-gusto ito ng board members’ pero inayawan ni Gabo kaya galit nagalit ang dalaga sa dating katipan.

Habang nasa bar ay may naglagay ng drugs sa ice tea ni Billy dahilan para sumama ang pakiramdam at nang magtungo siya sa ladies room ay nasalubong niya si Gabo at dito na siya bumagsak. Nataranta ang binata kaya sa mens’ room niya dinala.

At dahil hindi na mahanap nina Isputnik si Billy ay kaagad nilang nilisan ang bar para hanapin ang dalaga at sa parte naman ni Gabo nang malamang wala na ang mga kasama ng dating katipan ay inuwi niya ito sa bahay nila dahil ayaw naman magpahatid sa bahay nila sa ganu’n sitwasyon.

Nag-aalala na ang lahat kay Billy pati ang tatay niyang si Tatay Tony (Herbert Bautista) na hindi alam kung anong gagawin at nang makita nila sa CCTV kung sinong kasama ng anak lumabas ng bar ay saka nila sinugod sa bahay niya si Gabo at dito nasaktan ang binata.

Grabe ang galit at gigil ni Mayor Bistek kay Quen kaya ilang beses niyang nasuntok, na-inisip tuloy namin na ganito nga kaya siya sa tunay na buhay? Kasi ang kilala ng lahat ay mabait at masayahing tao, tulad ng karakter niya sa Make It With You.

Anyway, abangan ang susunod na journey nina Billy at Gabo sa MIWY ngayong inamin na lahat ng huli kung bakit siya umalis ng walang paalam sa Croatia.

Herbert

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.