Larry Tesler: Lumikha ng ‘cut, copy and paste, pumanaw

Balita - - Showbiz - BBC

Pumanaw na si Larry Tesler, isang icon ng early computing, sa edad na 74.

Nagsimulan­g magtrabaho si Tesler sa Silicon Valley noong unang bahagi ng 1960, sa panahon na ang mga computer ay hindi pa accessible sa karamihan ng mga tao.

Salamat sa kanyang innovation­s – na kinabilaga­n ng “cut”, “copy” at “paste” commands – ang naging simple at madali ang matuto sa paggamit ng personal computer.

Nagbigay-pugay ang Xerox, kung saan ginugol ni Tesler ang bahagi ng kanyang karera.

“The inventor of cut/copy & paste, find & replace, and more, was former Xerox researcher Larry Tesler,” tweet ng kumpanya. “Your workday is easier thanks to his revolution­ary ideas.”

Isinilang si Tesler sa Bronx, New York, noong 1945, at nag-aral sa Stanford University in California.

Pagkatapos ng graduation, nagpakadal­ubhasa siya sa user interface design – na ginagawang mas user-friendly ang computer systems.

Nagtrabaho siya para sa ilang mga pangunahin­g tech firms sa kanyang mahabang karera. Nagsimula siya sa Xerox Palo Alto Research Center (Parc), bago siya niligawan ni Steve Jobs para lumipat sa Apple, kung saan siya ay gumugol ng 17 taon at umangat sa pagiging chief scientist.

Matapos umalis sa Apple ay nagtayo siya ng isang start-up, at sandaling nagtrabaho para sa Amazon at Yahoo.

Noong 2012, sinabi niya sa BBC ng Silicon Valley: “There’s almost a rite of passage - after you’ve made some money, you don’t just retire, you spend your time funding other companies.

“There’s a very strong element of excitement, of being able to share what you’ve learned with the next generation.”

Tesler

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.