Bacoor at Basilan, hataw sa MPBL playoffs

Balita - - Sports -

NANINDIGAN ang No.2 seed Bacoor City sa harap nang nagbubunyi­ng kababayan para maidispats­a ang No.7 GenSanBurl­ington, 95-72, sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfin­als series nitong Miyerkoles sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup sa Strike Gym.

Determinad­o ang Strikers mula sa opening jumpball at umarya sa 20-4 bentahe sa unang limang minuto, tampok ang walong puntos mula kay Datu Cup MVP Gab Banal.

Tumapos ang reigning MVP na may nakubrang 20 puntos, 11 assists, tatlong rebounds, at dalawang steals.

“Our last game against GenSan, their guards got going early. That’s why we neutralize the ability of their guards to attack us inside,” sambit ni Bacoor coach Chris Gavina.

Nag-ambag si Michael Mabulac sa naiskor na 15 markers at 12 rebounds, habang kumana si Oping Sumalinog ng 13 puntos, limang boards, at tatlong rebounds.

Kumana rin sina Ian Melencio at RJ Ramirez na may tig-10 puntos.

Nanguna si Robby Celiz sa GenSan na may 17 puntos, at walong rebounds, habang umiskor si Pamboy Raymundo ng 16 puntos at siyam na rebounds.

Nakaungos naman ang No.3 Basilan-Jumbo Plastic sa semifinal duel laban sa Iloilo, 83-68.

Nanguna si Jhapz Bautista sa Steel na may 21 puntos.

“Actually maganda yung first quarter namin, nakauna kami ng 12-0. So, I just told the team to play 40 minutes kasi sure na babalik si Iloilo. We just need to weather the storm,” pahayag ni Steel coach Jerson Cabiltes.

Iskor:

(Unang Laro)

Bacoor City (95) - Banal 20,

Mabulac 15, Sumalinog 13, Ramirez 10, Melencio 10, Montuano 7, Cañete 7, Pangilinan 6, Acidre 3, Demusis 2, Aquino 2, Andaya 0, Destacamen­to 0.

GenSan-Burlington (72) - Celiz 17, Raymundo 16, Williams 15, Cabanag 10, Masaglang 4, Orbeta 3, Mahaling 2, Goloran 2, Basco 2, Bautista 1, Landicho 0.

Quartersco­res: 24-9, 45-26, 69-54, 95-72.

(Ikalawang Laro) Basilan-Jumbo Plastic (83) - Bautista 21, Gabo 10, Daa 10, Dagangon 9, Balucanag 8, Collado 7, Uyloan 6, Dumapig 4, Palencia 4, Manalang 2, Hallare 2, Trinidad 0, Bringas 0.

Iloilo (68) - Parker 11, Arambulo 10, Escoto 8, Sierra 7, Prado 6, Publico 5, Gumaru 5, Jeruta 5, Golla 3, Javelosa 3, Jaboneta 3, Mahari 2, Pedrosa 0, Quartersco­res: 22-10, 42-36, 61-53, 83-68.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.