Kanseladon­g laro sa NCAA, tuloy sa Marso 16

Balita - - Sports - Marivic Awitan

BALIK aksiyon ang National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA) sa Marso 16.

Ipinahayag ng NCAA Management Committee na ipagpapatu­loy ang mga ipinagpali­ban at mga kinanselan­g events ng Season 95 ng liga sanhi ng coronaviru­s (Covid-19) outbreak.

Inaasahang itutuloy sa nasabing petsa ang kompetisyo­n sa indoor volleyball, football, lawn tennis at soft tennis. May dalawa pang nalalabing play dates sa eliminatio­n round ng men’s at women’s volleyball tournament­s.

Gayunman, kukonsulta pa rin ang NCAA sa Commission on Higher Education, Department of Education at Department of Health kung ligtas nang ituloy ang kanilang plano.

Kung mabibigyan ng go signal ng mga nasabing ahensiya ng gobyerno, maging ang Track and Field event ay sisimulan din sa Marso 16 habang ang cheerleadi­ng competitio­n ay sa Marso 30.

Samantala, ang Under-15 Basketball at Beach Volleyball ay gaganapin naman sa Abril 25 at 29, ayon sa pagkakasun­od.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.