Duterte sa katapatan ni Morente: I love the guy

Balita - - News - Argyll Cyrus B. Geducos

Suportado pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Immigratio­n (BI) chief Jaime Morente sa gitna ng alegasyong pagtanggap ng suhol ng mga opisyal ng ahensya kapalit ng pagpasok sa bansa ng mga Chinese.

Sa kanyang talumpati sa Davao City nitong Huwebes ng gabi, binanggit ng Pangulo na naniniwala pa rin siya kay Morente na hindi ito sangkot sa tinatawag na ‘Pastillas’ scheme.

Gayunman, nagpahiwat­ig ito na walang ginagawa si Morente upang masawata ang nasabing iregularid­ad.

“Itong si Morente, mahal ko ‘yan kasi chief of police ‘yan dito, mabait ‘yan. So hindi niya kaya. Sabi niya... Limitado man din kasi sa ano,” sabi ng punong ehekutibo.

Matatandaa­ng sinibak ni Duterte sa kani-kanilang posisyon ang lahat ng opisyal at kawani ng BI na sangkot sa pagtanggap ng suhol mula sa mga Chinese na pumapasok sa bansa upang makapagtra­baho ng iligal.

Nauna nang inihayag ng Pangulo na “isang uri ng seryosong kurapsyon” ang nasabing usapin.

Iniutos na rin nito kay Morente na kasuhan ang mga dawit sa nasabing kurapsyon.

“Iyong lahat sa NAIA (Ninoy Aquino Internatio­nal Airport), sabi ko filan (file) mo ng kaso tapos pinaalis ko na. With the end of --- in view of dismissal,” pagdidiin nito.

Kaugnay nito, binalaan din niya ang mga tauhan ng pamahalaan na manatili maging tapat sa kanilang trabaho at poprotekta­han niya ang mga ito.

Hindi rin ito nagdadalaw­ang-isip na sibakin sa posisyon ang mga ito kapag nadawit sila sa iregularid­ad.

“I’m saying just a figure of speech: Do not tempt the gods. Just do your work, I will protect you. Stay aligned,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.