R3.4-M droga, nasabat; 2 suspek tiklo

Balita - - News - Bella Gamotea

Aabot sa P3,400,000 halaga ng pinaniniwa­laang shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang umano’y big-time drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Muntinlupa City, nitong Huwebes ng hapon.

Nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa Camp Crame, Quezon City ang mga suspek na sina Joehari Mamasainge­d, alyas ‘Kahel’, 25, may asawa, motor mechanic, at Naser Cayagcag, 21, binata, crew at kapwa taga-Reyes Street, Purok 3,

New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ula ng pulisya, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ngg mga operatiba ng PDEA sa pangunguna ni IA III Amir Estanislao sa koordinasy­on ng Southern Police District (SPD) at Police Community Precinct (PCP-4) ng Muntinlupa City Police Station, laban sa dalawang suspek sa Lakefront, Sucat, dakong 5:45 ng hapon.

Agad na dinakma ng mga awtoridad ang dalawang suspek nang bentahan umano ng iligal na droga ang poseur buyer.

Nasamsam kina Mamasainge­d at Cayagcag ang limang pirasong nakatali na transparen­t plastic bag na naglalaman ng ‘shabu’ na halos 500-gramo na nagkakahal­aga ng P3.4-milyon;isang Mio Sporty motorcycle;cellphone at buy-bust money.

Inihahanda na ng PDEA ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.