Camsur, nahawaan na rin ng ASF -- DA

Balita - - News - Nino N. Luces

PILI, Camarines Sur – Apektado na rin ng African swine fever (ASF) ang Camarines Sur, ayon sa Department of Agricultur­e (DA).

Sa pahayag ng DA-Bicol regional director Rodel Tornilla, kumpirmado na nahawaan na ng nasabing sakit ang mga babuyan sa Barangay Sto. Domingo, Bonbon,

Camarines Sur.

Natuklasan aniya ang nasabing ulat nang magtungo sa naturang lugar ang DA Regional Quick Response Team (RQRT) for Animal Disease and Emergencie­s upang imbestigah­an ang pagkamatay ng mga baboy.

Ipinadala aniya nila ang organ samples sa Animal Disease

Diagnostic Reference Laboratory sa Bureau of Animal Industry sa Quezon City upang isailalim sa confirmato­ry testing.

Nitong Huwebes, natanggap ng DA-Bicol ang kumpirmasy­on na ang nasabing sample ay positibo sa ASF virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.