How bad were the Academy Awards this year? –Trump

Balita - - Showbiz - Trump

COLORADO SPRINGS,

Colo. (Reuters)

– Kinutya ni President Donald Trump nitong Huwebes ang historic bestpictur­e Oscar win ng South Korean film na Parasite, sinabi sa campaign rallyna nais niyang bumalik ang Hollywood classics gaya ng 1939’s Gone with the Wind.

Ang Parasite, isang dark social satire tungkol sa gap between rich and poor sa modernong Seoul, nitong unang bahagi ng buwan ay naging first nonEnglish-language film na naguwi ng top prize sa Hollywood. Nakuha rin nito ang tatlo pang Oscars - best director at original screenplay para kay Bong Joon Ho at best internatio­nal feature film.

“How bad were the Academy Awards this year?” tanong ni Trump sa rally sa Colorado Springs, Colorado. Ginaya ang Academy Awards presenter, sinabi niya na: “And the winner is a movie from South Korea.

“What the hell was that all about? We’ve got enough problems with South Korea, with trade. And after all that, they give them best movie of the year?” dagdag ni Trump.

“Can we get ‘Gone With the Wind’ back, please?” aniya sa libu-libong supporters, na ang tinutukoy ay ang pelikula tungkol sa Civil War-era South na nagwagi ng best-picture Oscar 80 taon na ang nakalipas.

Binira rin ni Trump ang actor na si Brad Pitt, na nanalo ng Oscar for best supporting actor para sa Once Upon a Time in Hollywood. Sinabi ni Pitt sa pagtanggap niya ng award na mayroon siyang maraming oras na magsalita, 45 seconds, kaysa natanggap ni national security adviser John Bolton sa Senate impeachmen­t trial ni Trump.

“I was never a big fan of his. He’s a little wise guy,” sinabi ni Trump tungkol kay of Pitt.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.