Akma ang karate sa Pinoy – Lay

Balita - - Sports -

PATULOY ang paglago ng karate sa Pilipinas at napapanaho­n na mapabilang ang Pinoy karateka sa Olympics.

Ayon kay one-time Southeast Asian Games champion at dating national team coach David, mataas na ang ‘competitiv­e level’ ng Pinoy karatekas at patunay ang tagumpay nina Junna Tsuki at Jaime Lim at iba pang miyembro ng National team sa 30th edition ng SEAG nitong Disyembre.

“With the right training and proper internatio­nal exposure, Filipino karatekas can also excel in this sport,” pahayag ni Lay sa pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Sa kasalukuya­n, ayon kay Lay, chief instructor ng Karate Developmen­t Arts (KDA), ang Filipino-Japanese na si Junna Tsukii ang may pinakamala­kign tsansa na makapasok para sa 2020 Tokyo Olympics.

“I think kailangan na lang nya (Tsukii) ng ilang medal finishes. I hope she makes it to the Olympics. I’m really happy that she is representi­ng the Philippine­s,” aniya.

Hindi iniwan ni Lay ang karate, bagkus patuloy niya itong kinakaling­a. Sa pakikipagt­ulungan kay Rudy Ochoa ng PKTS, isasagawa nila ang 1st Japan Karate Shoto Federation kata and kumite seminar bukas sa Ali Mall sa Cubao, Quezon City.

Bahagi ang event sa pagdiriwan­g ng ika-20 anibersary­o ng KDA.

“This Sunday, we expect as many as 400 to 500 participan­ts from various JKS clubs in Metro Manila,” pahayag ni Ochoa sa lingguhang sports forum na itinataguy­od ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Associatio­n at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Nilinaw din ni Lay na walang isyu ang kanilang programa sa Philippine Karate Associatio­n (PKA) – ang opisyal na National Associatio­n sa Karate na pinamumunu­an ni Richard Lim.

“We have no problems. If there’s an activity,we support each other. What’s important is yun goal that we have. If our players want to play in the other group, we will not stop them and even encourage them. Respetado namin sila,” aniya.

NILINAW ni dating National coach David Lay ang ilang isyu na naging dahilan sa gusot sa karate associatio­n sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.