Cruz, lalaro sa Guam sa FIBA Asia

Balita - - Sports - Marivic Awitan

ISA pang PBA player ang lalaro sa FIBA Asia Cup Qualifiers, ngunit hindi sa kampo ng Gilas Philippine Team.

Sasabak ang Fil-Guamanian na si Jericho Cruz sa National Team ng Guam matapos pagkalooba­n ng ‘clearance’ ng Internatio­nal Basketball Federation (FIBA).

Miyembro ng NLEX sa PBA ang 6-foot-1 guard at kasalukuya­n ngayong nasa Guam para magsanay sa Guam. Hindi siya nakasama sa Road Warriors sa ginaganap na Phoenix Super Basketball Tournament.

Naniniwala naman si NLEX coach Yeng Guiao na malaki ang maitutulon­g nito sa career ni Cruz.

“I think that’s going to help him, and that’s going to be a big honor for him,” pahayag ni Guiao.

Haharapin ng Guam bukas ang New Zealand sa first window ng qualifying round sa Calvo Field House sa Guam.

Ang isa pa nilang laro kontra Hong Kong ay ipinagpali­ban dahil sa banta ng coronaviru­s (COVID-19).

Idineklara ng FIBA na eligible si Cruz maglaro para sa Guam kahit naglaro ito sa Philippine team noong 2013 Southeast Asian Games dahil hindi naman sanctioned ang biennial meet ng governing body.

Naging miyembro si Cruz ng Northern Mariana Islands Youth Team noong 2008.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.