Parak, tiklo sa sabungan

Balita - - Front Page - Liezle Basa Iñigo

Pinatunaya­n ng Pangasinan Provincial Police na wala itong sinasanto sa kanilang kampanya laban sa illegal gambling nang madakip ang isang pulis sa isang sabungan sa Basista sa naturang lalawigan, nitong Biyernes.

Naka-uniporme pa si Corporal Jackson, 41, nakatalaga sa Provicial Mobile Force 2nd Company sa Tayug, at taga- Bgy. Dalanguiri­ng, Urbiztondo ng naturang lalawigan.

Si Jackson ay inaresto ng mga kabaro nito sa isang cockpit arena sa Poblacion, Basista, dakong 4:20 ng hapon.

Pumasok umano ang nasabing pulis sa nabanggit na lugar at nakikipagp­ustahan.

Idinahilan naman ng pulisya na bahagi lamang ito ng internal cleansing sa kanilang hanay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.