Gov’t, lugi sa POGO

Balita - - Front Page - Bert de Guzman

Hindi makakolekt­a ng P22 bilyon ang gobyerno mula sa buwis ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sanhi ng kakulangan ng “ngipin” ng nilikhang Inter-Agency Task Force para habulin at patawan ng buwis ang mga manggagawa o empleado nito.

Sinabi ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, chairman ng se committee on games and amusements, ang Task Force ay binubuo ng Department of Finance, Bureau of Immigratio­n, Department of Labor and Employment, Philippine Amusement and Gaming Corporatio­n, Department of Trade and Industry, at Securities and Exchange Commission.

Sa palagay ni Yap, kulang pa rin ang pagsisikap ng Inter-Agency Task Force para makamit ang target na P22 bilyong buwis kada taon mula sa POGO.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.