Balita

Palasyo: ABS-CBN franchise at press freedom ‘walang konek’

- Argyll Cyrus B. Geducos

Naniniwala ang Malacañang na mananatili ang kalayaan sa pamamamaha­yag kahit na magsara ang broadcast giant na ABS-CBN sa pagpaso ng kontrata nito, ikinatuwir­an na mayroon pang ibang media outfits na maaaring malayang gumana.

Ginawa ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo ang pahayag 38 araw bago matapos ang prangkisa ng ABSCBN sa Marso 30.

Sa panayam ng ANC, ang English news channel ng ABS-CBN, nagpahayag si Panelo ng pagkadisma­ya sa paguugnay ng mga tao isyu ng prangkisa ng ABS-CBN sa press freedom, idiniin na wala itong koneksyon.

“Pagpalagay natin na mawala ang ABS-CBN, are you telling me namatay na ang freedom of expression and of the press? Of course not. Ang daming networks, ang daming radyo, nandiyan pa rin,” sinabi niya nitong Biyernes.

“There’s no curtailing there. If you violate a provision of the law that will be the result of your violation, how can that be?” dagdag niya.

“The very grounds for quo warrranto does not even touch your rights to criticize, to make editorials, ‘di ba? So anong koneksyon? ‘Di wala?,” patululoy niya.

Ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ay hindi pa tinatalaka­y ng Kongreso sa kabila ng nalalapit na pagpaso ito. Ang prangkisa nito ay kinukuwest­iyon din ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema, na binabanggi­t ang pang-aabuso sa kanilang lisensya.

Samantala, nanawagan si Panelo sa House of Representa­tives na gawin lamang ang kanilang trabaho at huwag nang maghintay sa mga tagubilin ng Pangulo. Gayunpaman, sinabi niya na bahala na ang korte na tumukoy kung nilalabag ng Mababang Kapulungan sa batas sa hindi pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Why does the Speaker have to take the cue from Malacañang? Why do members of Congress have to wait for what the President will say about anything? It’s about time... If that was the practice before, tigilan na po natin ‘yan ,” aniya.

“That’s for the courts kung meron silang violation. Kahit yung away nila I will not even join the fray. Nag-aaway sila ngayon, eh. Sabi ng Senado, pwede sila,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines