Balita

Gusto mo ng pera? ‘Wag mag-pulis

- Genalyn D. Kabiling

Sa halip na makisali sa kalakalan sa iligal na droga, maaaring umalis ang isang pulis sa kanyang trabaho at magsimula ng isang maliit na negosyo kung nais niyang kumita ng mas maraming pera.

Ito ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes pagkatapos ng babala na wala siyang patatawari­n mga pulis na kasangkot sa ilegal na droga.

“Huwag kayong pumasok sa alanganin. Be a police officer, a truly one who is there to serve the people. Maliit lang ang sweldo natin pero ‘yan man ang napili natin sa buhay,” sinabi niya sa graduation ng public safety officers sa Davao City nitong Huwebes.

“Gusto mo ng pera then get out of the police and start a business if you have the money,” dagdag niya.

Binalaan ng Pangulo ang mga pulis na huwag magkamalin­g makisangko­t sa ilegal na droga na maaaring mauwi sa kanilang pagkamatay. Sinabi niya na maaari niyang patawarin ang mga pagkakamal­ing nagawa ng mga pulis maliban sa pagkakasan­gkot sa droga.

“Do you know that I’ve been mayor of this city 23 years? Alam ko lahat ang racket ng buhay, pati racket ng pulis. Okay lang sa akin magkasala kayo ng iba. Maybe I will be forgiving,” aniya.

“Pero warningan ko kayo ha: Huwag na huwag kayong magkamali na pumasok sa droga. Mamamatay talaga kayo. Nakikita naman ninyo ilan ang pulis na bumabagsak,” aniya.

Muli ring ipinangako ni Duterte na tutugisin niya ang “ninja cops” o ang mga kasangkot sa pag-recycle ng mga nasamsam na ilegal na droga.

“‘Yang mga pulis, mga ninja cop, mamamatay talaga ‘yan maski na na hindi na ako presidente. Habulin ko talaga ‘yang mga yawa na ‘yan,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines