Balita

Carnapper na snatcher, timbog

- Orly L. Barcala

Arestado sa isinagawan­g follow-up operation ng mga awtoridad ang isang karnaper na snatcher sa Valenzuela City, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni P/Lt. Armando De Lima, head ng Station Investigat­ion Unit (SIU) kay P/Captain Albert Juanillo, chief ng Station Investigat­ion Detective Management Branch (SIDMB), kinilala ang suspek na si Cashner Philip Eisma, 31, tagaNo. 4056 Tiago Street, De Castro, Subdivisio­n, Bgy. Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ni Gina Canabo Almero, 32, dalaga, factory worker, kina S/Sgt. Regor Germedia at Cpl. Mark Joseph Tiu ng Valenzuela Police, sakay siya ng tricycle pauwi, dakong alas 5:00 ng hapon.

Pagsapit sa Mulawinan Street, Barangay Lawang Bato, Valenzuela City, hinablot ni Eisma sakay ng Black Yamaha Mio -125 ang kanyang cellphone, pero hindi ito natangay.

Bumaba ng tricycle ang dalaga at nagsisigaw at hinabol ng mga bystanders ang suspek, pero nagawa nitong makatakas, patungong Vista Verde, Caloocan City.

Sa police station, nalaman ni Capt. Juanillo na karnap ang minamaneho­ng motorsiklo ni Eisma, dahil ito ay pag-aari ni Janice May Tomari na tinangay noong Pebrero 14, 2020, habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay sa No. 4056 Sarah Street, Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Nagsagawa ng follow-up operation ang grupo ni P/Lt. Arnold San Juan at naaresto ang suspek sa kanilang bahay, dakong alas 12:45 ng hatinggabi.

Kinasuhan na ng attempted robbery snatching at paglabag ng Republic Act 10883 (New AntiCarnap­ping Law of 2016) ang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines