Prosecutor, 2 escort sugatan sa ambush

Balita - - News - Ni ALI G. MACABALANG

COTABATO CITY – Sugatan ang isang prosecutor sa Mindanao at dalawang escort nito nang ratratin ng tatlong hindi nakikilala­ng lalaki ang sinasakyan­g van sa Barangay Rosary Heights II sa nasabing lungsod, nitiong Biyernes ng hapon.

Sinabi ng pulisya na sugatan ang abugadong si Tucod Ronda, deputy provincial prosecutor ng Maguindana­o.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa niyang escort sa isang ospital sa nasabing lugar. Hindi na muna binanggit ang pagkakakil­anlan ng dalawa para na rin sa kanilang seguridad.

Naiulat ng pulisya na kakaalis lamang ni Ronda sa bahay nito, kasama ang dalawang bodyguard sakay ng van nang biglang pagbabaril­in sila ng cal. 45 pistol sa M16 Armalite rifle ng tatlong lalaki sa Kalaw Street ng Ferdervill­e subdivisio­n, dakong 1:45 ng hapon.

Ayon sa mga testigo, tinangka pang buksan ng mga suspek ang van upang tapusin na ang mga sakay nito ngunit pinaputuka­n sila ng isang pulis na kapitbahay ni Ronda, ayon kay Captain Rustum Pastolero, hepe ng Police Station 2.

Dahil dito, agad na tumakas ang tatlong suspek lulan ng isang kotse patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Nitong nakaraang Enero 10, pinagbabar­il din riding-in tandem ang sinasakyan­g kotse ni Guiara Bagundang-Akmad, 55, senior auditor ng Commission on Audit (CoA) at nakatalaga sa Maguindana­o, na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Si Akmad ay taga-nasabi ring lungsod.

Naniniwala rin ang mga awtoridad na may kinalaman sa trabaho ni Ronda ang motibo sa pananamban­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.