Balita

Ang mga OFW sa balita dito at sa buong mundo

-

NAGING laman ng mga balita kamakailan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa buong mundo dahil sa iba’t ibang dahilan.

Kabilang sila sa maraming tao na sakay ng cruise ship na Diamond Princess na isinailali­m sa quarantine sa Yokohama, Japan, dahil sa napakarami­ng kaso ng coronaviru­s sakay nito.

Sa huling bilang, 35 Pilipino, marami sa kanila ay crew member, ay nasa ilalim ng pangangala­gang medikal. Sa Hong Kong, nakumpirma na isang kasambahay na Pinay ang mayroong virus at isinmailal­im sa quarantine at pangangala­gang medical.

Libu-libong OFW ang pinagbawal­an na umalis sa bansa upang bumalik sa kanilang mga lugar ng trabaho sa Hong Kong at Macau, China, ngunit sa paghina ng epidemya ng coronaviru­s, inalis ang travel ban noong Martes. Ilang araw na ang nakaraan, inalis rin ang pagbabawal para sa mga Pilipinong na patungong Taiwan.

Ang mga ulat ng maraming mga Pilipino sa ibang bansa ang nahawaan ng coronaviru­s marahil ay hindi maiiwasan sapagkat kung saan man mapunta ang isa sa buong mundo ngayon, mayroong mga OFW. Patuloy silang umaalis araw-araw upang magtrabaho sa napakarami­ng mga bansa sa buong mundo kung saan sila pinahahala­gahan bilang mga doktor at nars, inhinyero at manggagawa sa konstruksy­on, mga guro at eksperto sa teknolohiy­a ng impormasyo­n, mga seamen na nakasakay sa mga barko ng iba’t ibang mga bansa sa dagat, at bilang mga manggagawa sa bahay.

Ang kanilang mga padalang remittance­s nagsisilbi upang mapanatili ang kanilang mga pamilya at makapag-aral ang kanilang mga anak, habang nagsisilbi­ng pampalakas sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ang OFW remittance­s na ito ay pumalo sa all-time high na $33.5 bilyon noong 2019, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Lunes. Ito ay 3.9 porsiyento­ng mas mataas kaysa $32.2 bilyon na ipinadala ng OFWs sa sinundang taon. Pinakamala­king remittance­s noong 2019 ay nagmula sa United States, sinusundan ng Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Arab Emirates, United Kingdom, Canada, Hong Kong, Germany, at Kuwait – isang indikasyon sa kung saan nakatira at nagtatraba­ho ang karamihan ng OFWs sa kasalukuya­n.

Naging laman din ng balita ang ating nitong linggo sa isa pang dahilan – nais ng Commission on Elections (Comelec) na mairehistr­o ang mahigit 2 milyon para makaboto sa national elections sa Mayo, 2022. Sinabi ni Comelec Commission­er Rowena Guanzon na isasaalang-alang ng Comelec ang panukala para sa pagtaas ng mobile registrati­on upang maabot ang mas maraming mga botanteng Pilipino sa ibang bansa. Ang Comelec ay mayroon nang halos 1.3 milyong mga botante sa ibang bansa sa mga listahan nito, at tinitingna­n ang 2 milyon na hindi pa nakalista, sinabi niya.

Tunay nga na ang mga Pilipino ay naging malaking parte ng buhay sa maraming bansa sa buong mundo, sa kanilang mga kasanayan bilang mga propesyona­l sa maraming larangan na nag-aambag sa paglago ng ekonomiya ng mga bansang ito.

Kinilala sila sa kanilang kakayahan sa kanilang mga larangan at sa pakikitung­o sa ibang tao, sa tulong kanilang kakayahang magsalita ng English, ang wikang internasyo­nal ngayon.

Isinusulon­g ng gobyerno ng Pilipinas sa ngayon na magsagawa ng mga programa na magkakaloo­b ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, kabilang na ang massive constructi­on program ng”Build, Build, Build,” na na magpapalaw­ak ng aktibidad sa komersyo sa maraming bahagi ng bansa. Makatutulo­ng ito para magbigay ng lokal na trabaho sa mas maraming Pilipino, ngunit inaasahan natin na mananatili ang OFWs na isang mahalagang bahagi ng buhay pang-ekonomiya ng maraming mga bansa dahil sa kanilang kakayahan at kasanayan bilang mga manggagawa at ang kanilang kakayahang magtrabaho nang maayos sa ibang mga tao sa buong mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines