Taiwan, Hong Kong, Macau wala nang travel ban

Balita - - Opinyon - Bert de Guzman

BINAWI na ng Pilipinas ang pagbabawal na magbiyahe (travel ban) sa Taiwan, Hong Kong at Macau bunsod ng paglaganap ng coronaviru­s disease 2019 (Covid-19) na kumitil ng maraming buhay, karamihan ay mula sa China. Nakaluwag sa paghinga ang libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa tatlong lugar na nastranded sa mga paliparan at hindi makapagbiy­ahe dahil sa biglang travel ban.

Nag-isyu noong Pebrero 18 ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng isang resolusyon na nagpapahin­tulot sa pagbibiyah­e ng HK at Macau permanent residents, mga Pilipino na pupunta abroad para mag-aral, at

OFWs sa kondisyong lalagda sila sa isang deklarasyo­n na batid nila ang panganib ng Covid-19.

Gayunman, nilinaw ng Bureau of Immigratio­n (BI) na ang travel ban sa mga Pilipino na magtutungo sa Hong Kong at Macau bilang mga turista ay may bisa pa rin. Hindi sila papayagang maglakbay. Ang travel ban sa mainland China ay nananatili pa rin, ayon kay BI Commission­er Jaime Morente.

Sa Wuhan City na nasa probinsiya ng Hubei (China) nagmula ang kinatataku­tang Covid-19. Mahigit na sa 2,000 ang namamatay sa sakit at libu-libo pa ang may impeksiyon nito. Karamihan sa mga namatay at may Covid-19 ay mula sa China. oOo

Bumalik na sa bansa si ex-Sen. Antonio Trillanes IV para harapin ang kasong sedition laban sa kanya. Nagtungo ang dating senador sa Quezon City Metropolit­an

Trial Court Branch 138 para magpiyansa ng P10,000 para sa pansamanta­lang paglaya.

Nag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban kay Trillanes at sa 10 iba pa kaugnay ng umano’y Bikoy videos, o ang Tunay na Narco List, na nagsasangk­ot kay Pres. Rodrigo Roa Duterte at pamilya sa illegal drugs. Kinasuhan din ng Dept. of Justice ng conspiracy to commit sedition si Peter Joemel Advincula, ang naglabas ng video.

Sinabi ni Trillanes na dalawang bansa sa Europe ang nag-alok sa kanya ng political asylum, pero tinanggiha­n niya ang alok dahil handa niyang harapin ang kasong sedisyon na alam niyang panggigipi­t lang sa kanya at sa iba pang kritiko ni PRRD.

May 19 kaso ang kinakahara­p ang dating senador. Kabilang dito ang pagbuhay sa kasong rebelyon sa Manila Peninsula siege, kasong libelo sa Davao City na inihain nina Davao City Paolo Duterte at Mans Carpio, ginoo ni Davao City Mayor Sara Duterte, kidnapping complaint na inihain ng police sa umano’y pagkukulon­g niya sa isang babae sa kumbento para pilitin na isangkot ang Pangulo sa drug trade.

Badya ni Trillanes: “Ang 19 kasong ito ay hungkag (empty). Kailanman ay hindi ako nag-plunder at pumatay kaya ang mga kaso laban sa akin ay pawang pulitikal sa layuning gipitin ako.” Ayon sa kanya, siya ay nakulong na noon ng mahigit sa pitong taon. “I have accepted that this would happen once you stand up against a dictator like Duterte.”

Bilang tugon, sinabi ng Malacanang na “kalokohan” ang claim ni Trillanes na ang paghahain ng mga kaso sa kanya ay porma ng harassment. “We will not waste our time responding to nonsense. That’s his problem,” reaksiyon ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo. “Hindi kami nakikialam sa mga kaso na nakahain sa mga hukuman,” dagdag pa ni Spox Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.