Balita

Sylvia, nanghihina­yang

- Reggee Bonoan

NANGHIHINA­YANG si Sylvia Sanchez na hindi siya nakadalo sa pagbubukas ng Fusion Internatio­nal Film Festival sa London nitong Huwebes, Pebrero 20, bilang pangunahin­g bida ng pelikulang Jesusa dahil may taping siya ng Ang Pamilya

Ko.

Tanda namin nang unang mabalitaan ng aktres na nominado siya sa pagkaBest Actress para sa pelikula ay abut-abot ang pasalamat niya at tinanong namin kung

makakadalo siya ay hindi kakayanin ng schedule.

“May taping ako ng Pamilya Ko, hindi ako puwedeng umalis, hindi rin ako pinayagan,” saad ni Ibyang.

At nitong Pebrero 20 ay bukod tanging si Mara Isabella Lopez Yokohama o Mara ang bukod tanging nakarating ng London na nominado sa pagka-Best Supporting Actress din sa nasabing pelikula.

“Fusion Internatio­nal Film Festivals, interview with Steve. A talk about interview with Steve. A talk about Ronaldo Carballo’s JESUSA how brilliant Jojo Campo Atayde was, the drug war.. the Philippine government and so much more. Coming soon. Thank you for the photos Adne

Lysngtad Nilsen,” caption ng aktres sa litratong pinost niya na nasa Crowne Plaza London.

Ni-repost ni Sylvia ang litrato ni Mara at ang caption niya, “Wish I could be there. Thank you ‘nak, Mara Isabella Lopez Yokohama for representi­ng our film Jesusa in the Fusion Internatio­nal Film Festival. Even just to be acknowledg­ed is already such a win but good luck to all of us! Love u ‘nak.”

Samantala, natapos na ang shooting ng pelikulang Coming Home ni Sylvia kasama si ex senator Jinggoy Estrada para sa Maverich Production­s at ALV Production­s at hinihintay na lang kung nakapasok ito sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival.

 ??  ?? Sylvia
Sylvia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines