‘John Denver Trending’ wagi sa French film fest

Balita - - Showbiz - Ni GABRIELA BARON

NAKUHA ng indie film na John

Denver Trending, pelikulang unang lumabas sa Cinemalaya Philippine Independen­t Film Festival’s best full-length film winner last year, ang three major awards sa ginanap na 26th Festival Internatio­nal des Cinemas d’Asie de Vesoul sa France, kamakailan.

Nag-premiere noong August 2019, nakuha ng John Denver Trending ang “Special Jury Prize,” “Critics Award”, gayundin ang “Audience Award for a Fiction Film.”

Mula sa direksyon ni Arden Rod

Condez, patungkol ang “John Denver

Trending” sa 14-anyos na farm boy, na masusubok ang buhay at katatagan marapos kumalat ang isang video niya kung saan inaatake niya ang isa sa mga kaklase at naging viral.

Tuon ng annual festival ang mga pelikula sa Asia. Wagi rin naman sa nasabing filmfest ang mga pelikula mula India, Bangladesh, Kazakhstan, South Korea, at Lebanon.

Samantala, nakuha rin ng “John Denver Trending” ang “Best Project” award asa 5th Hanoi Film Festival sa Vietnam noong 2019 at naging nominado sa 24th Busan Film Festival sa “Best Film” category.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.