Balita

Pampanga at San Juan, umabante sa MPBL Final 8

-

ANGELES CITY -- Naungusan ng No.4 seed Pampanga-ADG Group ang 1Bataan-Camaya Coast, 83-80, nitong Huwebes sa AUF Gym upang makausad sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan semifinals.

Dikit ang laro sa krusyal na sandali bago nakaiskor si Dexter Maiquez sa layup may 44.4 segundo ang nalalabi para sa 79-78 bentahe ng Pampanga.

Mabilis ang naging desisyon ni Byron Villarias sa kanyang three-point shot, ngunit sumablay ang tira at nakuha ng Pampanga ang bola para makamit ang panalo. Senelyuhan ni Maiquez ang laban sa apat na free throw para sa 83-78 iskor may 19.5 segundo sa laro.

“Kailangan talaga naming maglaro tulad ng endgame execution ngayon lalo na’t ang kalaban namin sa semis, defending champion na San Juan,” pahayag ni Pampanga head coach Bong Ramos.

Nanguna si Maiquez sa natipang 19 puntos at siyam na rebounds, habang nag-ambag si Juico ng 14 markers at pitong boards.

Nag-ambag sina Levi Hernandez at Larry Muyang ng 14 at 13 puntos sa Pampanga, ayon sa pagkakasun­od.

Nanguna si Juntilla sa Bataan sa naiskor na 22 puntos.

Umabante rin sa semifinals ang defending champion San JuanGo for Gold nang pabagsakin ang

Pasay, 74-67.

Mula sa 62-all sa huling 2:33 ng payoff period, kumasa ang San Juan, sa pangunguna ni John Wilson para sa 11-2 blitz upang selyuhan ang panalo.

“Noong nawala si Larry Rodriguez, yung mga bench players nag deliver. Naging ready lang talaga ang lahat. Lumabas yung character nila sa endgame, naging composed sila, importante yun sa playoffs” pahayag ni Knight head coach Randy Alcantara.

Iskor:

(Unang Laro) Pampanga-ADG Group (83) Maiquez 19, Juico 14, Hernandez 14, Muyang 13, Alberto 6, Cervantes 5, Cruz 5, Fabian 4, Thompson 3, Apreku 0.

1Bataan-Camaya Coast (80) - Juntilla 22, Jaime 21, Villarias 9, Jumao-as 7, Castro 6, Iñigo 3, Nalos 3, Ortega 3, Batino 2, David 2, Gozum 2, Llanto 0.

Quartersco­res: 23-13, 35-37, 64-58, 83-80.

(Ikalawang Laro)

San Juan-Go for Gold (74) - Wilson 17, Clarito 12, Wamar 10, Rodriguez 8, Isit 7, Victoria 7, Estrella 5, Bunag 3, Gabawan 2, Reyes 2, Marquez 0, Ayonayon 0.

Pasay 67 - Reverente (23), Jamon 11, Iñigo 7, Moradas 6, Belencion 5, Chan 5, Opiso 4, Ilagan 4, Lasquety 2, Pasia 0, Vitug 0, Lastimosa 0.

Quartersco­res: 17-10, 32-22, 44-42, 74-67.

 ??  ?? HATAW si Levi Hernandez sa koponan ng Pampanga.
HATAW si Levi Hernandez sa koponan ng Pampanga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines