Balita

5 ex-champ, babangon sa 10th LBC Ronda

-

SORSOGON – Walang urungan, laban kung laban para sa limang dating kampeon.

Nakatuon ang atensyon sa tiyak na bantayan sa pagitan nina two-time winners

Jan Paul Morales ng Standard InsuranceN­avy at Santy Barnachea ng Scratch sa pagsikad ng 10-stage LBC Ronda Pilipinas 10th anniversar­y race bukas sa provincial capitol dito.

Target nina Morales, back-to-back winner (2016 at 2017), at Barnachea, 2011 at 2015 champion, na muling mangibabaw sa grupo nang mga tinagurian­g ‘Road Warriors’ para sa panibagong korona at sa naghihinta­y na P1 milyong premyo.

“I always aim to win in all the race I join and I’m confident of my chances this year,” pahayag ng 34-anyos na si Morales.

Iginiit naman ng 43-anyos na si Barnachea na handa siya at gagawin ang lahat upang malagay sa kasaysayan ng karera na inorganisa ng LBC sa pagtataguy­od ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Versa, 8A Performanc­e, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy

Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCyclin­g.

“We’ll know when the race starts but for me, anything can happen in this kind of race,” sambit ni Barnachea.

Ngunit, may tatlo pang challenger na pawang dekalidad na nakaabang sa dalawa – sina Ronald Oranza ng Standard Insurance-Navy (2018), Mark Galedo ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippine­s (2012), at Reimon Lapaza ng Celeste Cycles PHDevel Project Pro Team (2014).

Tanging ang dating kampeon na sina Irish Valenzuela (2013) at Francisco Mancebo (2019) ang hindi nagbalik aksiyon ngayong taon.

Nakalinya rin bilang contenders ang mga batikang sina dating Le Tour champion El Joshua Carino, Junrey

Navarra at George Oconer ng Standard Insurance, Marcelo Felipe, best Filipino finisher in last year’s staging, at 7Eleven teammate Rustom Lopez, Ronnel Hualda, Daniel Ven Carino, Ismael Grospe, Jr. at Jonel Carcueva ng Go for Gold, Cris Joven, Marvin Tapic and Dominic Perez of Bicycology­Army, gayundin sina Michael Angelo Ochoa at Warren Bordeos ng Bike Xtreme.

“It’s a wide open race,” pahayag ni Morales.

Samantala, sinabi ni LBC Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani na ang Stage Six ay may ruta nang Tarlac to Tarlac sa Feb. 29 at ang Stage Seven Tarlac to Palayan City, Nueva Ecija sa March 1 mula sa dating linya na Lingayen-Lingayen at Lingayen-Palayan.

Walang pagbabago sa 37-km Sorsogon-Sorsogon Stage One, 163km Sorsogon-Legazpi Stage Two on Feb. 24, 126.9km Legazpi-Naga Stage Three on Feb. 25, 212.5km Daet-Lucena Stage Four on Feb. 26, 155.4km Lucena-Antipolo Stage Five on Feb. 27, 177.1km Nueva Ecija-Baguio Stage Eight on March 2, 176.4km Pugo, La Union-Vigan Stage Nine on March 3 and Vigan Stage 10 on March 4.

“We’re expecting an exciting race because most practicall­y all the country’s top cyclists including most of our past LBC Ronda Pilipinas champions are joining,” paniniguro ni Chulani.

 ??  ?? MORALES:Sentro ng atensiyon.
MORALES:Sentro ng atensiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines