Balita

Young, umukit ng marka sa pananalasa ng Hawks

-

ATLANTA (AP) — Naisalansa­n ni Trae Young ang career-high 50 puntos sa makapigil-hiningang panalo ng Atlanta Hawks kontra Miami Heat, 129-124, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Naisalpak din ni Young, isa sa ‘rising star’ ng liga, ang huling 10 puntos ng Hawks sa impresibon­g opensa matapos sumabak sa unang pagkakatao­n sa NBA All-Star Game bilang starter.

Nanguna si Bam Adebayo ng 28 puntos at season-high 19 rebounds para sa Miami. Tinanhgal si Adebayo na NBA All-Star skills champion sa nakalipas na All-Star Weekend.

Nabitiwin ng Miami ang tangan sa 124-119 bentahe. Matapos ang three-pointer ni De Andre Hunter, nasundan ito ng lay-up ni Cam Reddish mula sa steal kay Goran Dragic para maagaw ng Hawks ang bentahe sa 126-124 may 31 segundo ang nalalabi. Naselyuhan ang panalo ng Atlanta sa dalawang free throw ni Young.

BUCKS 126, PISTONS 106

Sa Detroit, hataw si Giannis Antetokoun­mpo sa naiskor na 33 puntos at 16 rebounds sa panalo ng Milwaukee Bucks kontra Detroit Pistons.

Naisara ng Bucks ang halftime sa 70-41 at napalobo ang bentahe sa 34 puntos sa third period.

Nag-ambag si Khris Middleton, dating Piston, sa naiskor na 28 puntos, habang kumana sina Eric Bledsoe at Brook Lopez ng 19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Naitala ng Pistons ang ikalimang sunod na kabiguan mula ng ipamigay si Andre Drummond sa Cleveland Cavaliers nitong Feb. 6 at una matapos makompleto ang ‘buy out’ sa kontrata ni Reggie Jackson. SIXERS 112, NETS 104 (OT)

Sa Philadelph­ia, nagbunyi ang home crowd sa impresibon­g panalo ng Sixers kontra Brooklyn Nets sa overtime.

Ratsada si Joel Embiid sa natipang 39 puntos at 16 rebounds, habang umiskor sina Alec Burks at Shake Milton nang krusyal na opensa sa extra period.

Nakalusot ang Sixers sa kabila ng hindi paglalaro ni All-Star point guard Ben Simmons na nagtamo ng pananakit sa likod. Nahila ng Philadelph­ia ang marka sa Wells Fargo Center sa 26-2 ngayong season, habang 9-19 sa road.

Kumasa sina Tobias Harris na may 22 puntos at 12 boards para sa 76ers, habang tumipa si Burks ng 19 puntos.

Nanguna si Caris LeVert sa Nets na may 25 puntos.

Samantala, pinataob ng Charlotte Hornets, sa pangunguna ni Malik Monk na kumana ng 25 puntos, ang Chicago Bulls, 103-93.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines