Balita

400 PINOY SA JAPAN, PAUUWIIN NA

Tapos na sa quarantine

- Nina BELLA GAMOTEA at MARY ANN SANTIAGO

Kasado na ang pagpapauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa tinatayang aabot sa 400 Pilipinong galing sa M/V Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATFEID) na naresolba na nila ang tentative schedule ng repatriati­on ng overseas Filipino workers (OFWs) na sakay ng naturang cruise ship, sa susunod na linggo.

Ito ay para bigyan pa ng panahon ang Japanese health authoritie­s na makumpleto ang laboratory testing ng mahigit 400 Pinoy crew members ng barko at masunod ang itinakdang Japanese quarantine protocols.

Ini-adjust ng IATF-EID ang schedule dahil sa maraming pag-iingat para na rin sa kalusugan at kaligtasan ng OFs na sakay ng cruise ship.

Unang tiniyak ng Japanese government ang kaukulang health services na ipinagkaka­loob sa mga apektadong Pinoy na sakay ng barko.

Puspusan naman ang pakikipagt­ulungan ng embahada ng Pilipinas sa Tokoyo s Japanese health and foreign ministry upang makumpleto ang quarantine protocols para sa gobyerno ng Pilipinas upang mapauwi nito ang mga Pinoy crew members sa lalong madaling panahon.

Kaugnay nito, pinayagan na ng Department of Health (DoH) na makauwi sa kani-kanilang lalawigan ang mga Pinoy na mula sa Wuhan City, Hubei, China makaraang makatapos ng kanilang 14-day quarantine nitong Sabado at hindi pa rin makitaan ng sintomas ng 2019 coronaviru­s disease (COVID-19).

Ayon sa DoH, bago tuluyang palabasin ng Athlete’s Village sa New Clark City, Capas, Tarlac, isinailali­m muna kahapon ang 49-Pinoy mula Wuhan sa pinal na pagsusuri at pinagkaloo­ban pa ng quarantine clearance certificat­e sa isang simpleng seremonya.

Ang mga naturang clearance certificat­e ay ipinagkalo­ob sa mga Pinoy upang maiprisint­a nila sa kanilang mga employer bilang katibayan na sila ay may kakayahan pa ring magtrabaho.

Tiniyak naman ni DoH Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na kahit pa pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang lalawigan ay patuloy pa ring imu-monitor ng DOH ang kalusugan ng mga Pinoy repatriate­s mula sa Wuhan sa loob ng isang buwan, sa tulong ng mga local officials.

“They will be monitored for a month para malaman ang developmen­ts,” ani Vergeire, sa panayam sa radyo.

Pagtiyak pa ni Vergeire, wala nang dapat na ikabahala ang mga repatriate­s at kanilang mga kaanak dahil nakatapos na sila ng quarantine.

“They have no symptoms. Healthy na po sila. Lahat po ng suporta ay naibigay sa kanila habang sila ay nasa quarantine facility,” paniniguro pa ni Vergeire.

Matatandaa­ng Pebrero 9 nang i-repatriate ang mga Pinoy mula sa Wuhan City, na itinuturin­g na siyang ground zero o pinagmulan ng COVID19.

Kinailanga­ng i-quarantine ng 14araw sa New Clark City ang mga Pinoy upang matiyak na hindi sila dinapuan ng virus habang nasa China.

Kabilang sa naturang 49 na Pinoy ang 30-overseas Filipino workers (OFW) na nakatira at nagtatraba­ho sa Wuhan; limang mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang nag-asikaso ng mga dokumento ng mga naturang Pinoy; anim an airline crew, at tatlong ground crew, na nag-uwi sa kanila sa Pilipinas.

Sinabi ni Vergeire na nang makaalis na ang mga repatriate­s ay kaagad na nilinis mabuti at dinisinfec­t ang New Clark City facility bilang paghahanda naman sa pagdating ng mga Pinoy na ire

Nagsagawa ang DFAOffice of Consular Affairs (OCA) ng awareness seminar na may titulong “Corona Virus Disease (COVID-19): The Agent and the Disease” sa Parañaque City,kamakalawa.

Ang naturang seminar ay pinangasiw­aan ni Dr. Olga Virtusio,ng Parañaque City Health Officer at President ng Health Officers of Metro Manila, na napanood ng live sa 35 consular offices ng DFA sa buong bansa.

Nagbigay si Dr. Virtusio ng maikling kasaysayan depinisyon at paglalaraw­an maging ang mga senyales at sintomas ng COVID-19.

Ibinahagi din nito ang mga epektibong pag-iwas at mga pagiingat laban sa nasabing sakit gayundin ang mga inisyatibo­ng pinangunah­an ng Department of Health.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines