Tunay na istorya ng EDSA, hanapin –Hataman

Balita - - News - Ellson A. Quismorio

Hinamon ni Deputy Speaker at Basilan lone district Rep. Mujiv Hataman ang “woke” generation sa kasalukuya­n na maghanap ng mga totoong istorya ng nakaraan at ‘wag magpabulag sa historical revisionis­m na laganap sa digital na panahon ng mga pekeng balita at kalahating katotohana­n.

Ito ang hamon ni Hataman, human rights activist at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor, sa ika-34 na anibersary­o ng orihinal na EDSA Revolution.

“I encourage the youth to dig deeper and find truth and wisdom in the 1986 People Power Revolution...I call on the next generation­s to stand for their rights, and seek true stories of how there came to be an EDSA People Power Revolution, and how Filipinos gained their freedom as a result,” aniya.

Ang paghahanap ng totoong kahulugan ng 1986 EDSA People Power, sinabi ni Hataman, “will give the youth more understand­ing of what their rights are as citizens.”

Nag-alok din siya ng pananaw tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng “woke” sa kanyang henerasyon kumpara sa kasalukuya­n.

“Noong araw, may iba kaming tawag sa pagiging ‘woke.’ Sa amin, ‘mulat’ ang equivalent nito, yung mulat ka sa nangyayari­ng injustice sa paligid mo. Yung may kamulatan ka para ipaglaban ang iyong mga karapatan,” aniya.

Sinabi ng mambabatas ng Basilan na ang mga kabataan ngayon ay mas magiit sa kanilang mga karapatan at may maraming paraan upang maipahayag ang hindi pagsang-ayon at mga hinaing dahil sa kanilang access sa social media at sa Internet.

“If you study the lessons of EDSA, you can discern that the enemy of democracy is oppression. Then you will know what to fight for when the time comes to stand as one against tyranny. I also call on the parents of our youth to explain to their children what EDSA was and what it represente­d,” diin ni Hataman, dating community organizer.

Sinabi rin niya na ngayon ay malabo ang “truth” tungkol sa EDSA, dahil maging sa mga aklat-aralin sa paaralan, ang kasaysayan ay ikinukubli.

“Let us not glorify people and sinners of the past. There are now books in school that even hail the oppressors during Martial Law. Let us not allow these people blur the truth and propagate their own version of what happened,” diin ni Hataman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.