Balita

Ex-cop, gulpi-sarado sa 8 driver

- Orly L. Barcala

Sugatan ang isang dating parak nang pagtulunga­n itong gulpihin ng walong lalaki sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.

Ginagamot na sa Manila Central University (MCU) Hospital si ex- sergeant Ariel Benzon,54, may asawa, naniniraha­n sa No. 44E S. Asistio Street, East Grace Park, Barangay 89 ng nabanggit na lungsod, dahil sa mga pasa sa mukha, ulo at katawan.

Dalawa lamang sa walong suspek ang naaresto na sina Richard Mahilom, 33, may live-in partner, mekaniko at Jonel Bentor, 37, binate, helper, kapwa residente ng No. 36 B, Serrano Street,

Bgy.89, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, bandang 7:45 ng gabi, nilapitan umano ni Benzon ang grupo ng mga jeepney driver sa kahabaan ng Asistio corner B. Serrano Street, Bgy. 89 at sinita dahil sa nakahambal­ang na mga sasakyan.

Armado umano ng cal. 45 ang biktima nang sitahin nito ang mga suspek.

Hindi nagustuhan ng mga jeepney driver ang ginawa ni Benzon, kaya nagkaroon sila ng mainitang diskusyon.

Biglang lumapit ang walong lalaki at pinagtulun­gang gulpihin ang dating pulis at pagkatapos ay kinuha pa ng mga ito ang baril ng huli, saka nagsitakas.

Naiwang duguan ang biktima na kaagad namang dinala sa nasabing ospital ng mga naroroon.

Nagrespond­e ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1 na sina PCPL. Glen Sumalinog at PCPL. Christian Malinao at hinanting ang mga suspek, pero sina Mahilom at Bentor lang ang nasakote.

Isinoli din ng mga nadakip ang baril ng ex-policeman.

Kinasuhan ng attempted homicide (by mauling) ang mga suspek at inaalam pa ang mga pangalan ng anim pa nilang kasamahan na nakapuga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines