Balita

2 parak, asset, naisahan ng ‘basag kotse’

- Orly L. Barcala

Hindi nakaligtas ang sasakyan ng mga awtoridad sa mga miyembro ng “basag kotse,” saan natangay ng mga ito ang baril at pera ng mga parak, matapos pagnakawan at basagin ang salamin ng kanilang service vehicle sa Malabon City, Biyernes ng gabi.

Nakuha ng mga hindi pa nakikilala­ng mga kawatan ang IHK 416 Assault Rifle Cal. 5.56 MMX 45 (serial no. 88-042685) na may 30 rounds metal magazine ni PSMS Regune Paule, 43, nakatalaga sa Station Intelligen­ce Branch (SIB) ng Malabon Police, nakatira sa No. 1412 MRH Building 1, A. Reyes Street, Barangay Baritan ng nasabing lungsod.

Natangay rin ang sling bag na may lamang P2,000 cash ng driver na si Ariston Arceo, nasa hustong gulang, naniniraha­n sa No. 307 M. H. Del Pilar, Barangay Maysilo, Malabon City.

Sa imbestigas­yon ni PSSG Jose Romeo A, Germinal ng Station Investigat­ion Unit (SIU), sakay ng Mitsubishi L300 sina PSMS Paule kasama si PCPL. Krisner Buendia, saan si Arceo ang driver, kasama rin ang kanilang asset, bandang alas 11:30 ng gabi.

May dala umano silang warrant of arrest para arestuhin ang isang wanted person at ayon sa kanilang asset naroroon ang kanilang target sa Governor Pascual corner Sitio Gulayan Street, Bgy. Catmon, Malabon City.

Sina PSMS Paule at PCPL. Buendia ang bumaba sa sasakyan upang pasukin ang eskinitang kinarorona­n ng kanilang huhulihin, habang naiwan sa sasakyan ang informant at si Arceo.

Sumakit ang tiyan ng driver at naghanap ito ng lugar para magbawas at iniwan ang kasamang asset, pero pagbalik, basag na ang salamin ng kanilang sasakyan, wala na baril at ang kanyang sling bag.

Nagtaka si Arceo dahil wala doon ang kasama na pinagbilin­an nito nang siya ay umalis.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na asset na nagulat nang malaman na nanakawan sila.

Bumili lang daw ng yosi ang impormante at sandali lang niyang iniwan ang sasakyan.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines