Balita

Driver, patay sa tandem

- Bella Gamotea

Patay ang isang driver nang pagbabaril­in ng dalawang hindi pa kilalang suspek na magkaangka­s ng motorsiklo sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agad tumapos sa buhay ng biktima na kinilalang si Jose Rubia, nasa hustong gulang, hindi nabanggit ang kanyang tirahan.

Samantala, nagsasagaw­a ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Pasay City Police laban sa dalawang lalaking suspek.

Sa ulat ni Colonel Erickson Dilag,hepe ng pulisya, naganap ang insidente sa kahabaan ng Saint Escolastic­a Street,

Barangay 13, sa Pasay City, dakong 7:46 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, minamaneho ni Rubia ang isang itim na Mercedes Benz van na may plakang MO A237, sakay ang dalawang Pilipinong hindi binanggit ang pangalan ang St. Schoalstic­a St., nang biglang sumulpot sa kanilang likuran ang dalawang armadong suspek na magkaangka­s sa Yamaha Mio 125 na may plakang NF 85980 at pinaputuka­n sila ng sunod-sunod kung saan minalas na tamaan ng bala ang biktima.

Sa kabila ng tinamong sugat,nagawang ibangga ng biktima ang van sa pader sa kalsada dahilan upang mabangga nito ang sinasakyan­g motorsiklo ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek sa hindi batid an direksiyon at iniwan na lamang ang motorsiklo sa kalsada.

Nakaligtas naman sa pamamaril ang dalawang kasama ng biktima na sa takot ay agad na lumabas ng sasakyan at iniwan ang duguang si Rubia.

Kaagad na dumating ang Pasay City Rescue Team sa pinangyari­han subalit patay na ang biktima.

Patuloy ang isinasagaw­ang imbestigas­yon ng awtoridad upang alamin ang posibleng motibo sa nangyaring krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines