Balita

2 senior citizen, patay sa pananamban­g

- Jun Fabon

Masusing iniimbesti­gahan ng Quezon City Police District-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (CIDU) ang pamamaril ng hinihinala­ng hired killer na ikinasawi ng dalawang babaeng senior citizen at ikinasugat ng kaanak sa Barangay Holy spirit, Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ni CIDU Chief PLt.Col. Elmer Monsalve ang nasawing biktima na si Emilia Rumor, 93, at Brenda Rumor, 62, pawang nakatira sa No.3 Cerilo St., Barangy Holy spirit.

Habang sugatan ang kaanak ng mga biktima na si Nancy Johnson y Rumor ng Calbayog, Samar.

Base sa inisyal na ulat ni PSSgt. Zaldie Notarte, desk officer ng Batasan Police Station (PS6), pasado alas 9:00 ng gabi kamakalawa nang pagbabaril­in umano ng armadong suspek ang tatlong biktima sa loob ng white Mitsubishi Montero – TWO 964.

Sa pahayag sa CIDU ng saksing mga residente na si Kyle Albay at Juvy Sabado, namataan nila ang pauwing sina Emilia, Nancy sa kanilang bahay sa lugar sakay ng Mitsubishi Montero na minamaneho ni Brenda.

Sa pahayag sa pulisya ng 2 saksi, nasa main gate na ang kinaluluna­n kotse ng 3 biktima nang basta na lamang sumulpot ang lone gunman sa harapan ng sasakyan at pinagbabar­il ang mga ito gamit ang .45 kalibre ng baril.

Nabatid na si Emilia ay namatay noon din dahil sa 2 tama ng bala sa ulo habang si Brenda ay binawian ng buhay sa FEU General Hospital at si Nancy ay himalang hindi tinamaan.

Agad din na tinutuntun ngayon ng follow – up unit ng CIDU ang suspek na naka black jacket, ballcup at brown face mask habang inimbestig­ahan na ang nasa likod ng pamamaril sa 3 biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines