Pintor, namatay sa pagtulog

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Namatay habang natutulog ang isang pinto sa Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyon­g City kamakalawa.

Sa ulat ng Mandaluyon­g City Police, dakong 5:39 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ni Jomar Garina, 34-anyos, sa loob ng warehouse ng Podium B, Axis Residence Tower 2, Robinsons Cybergate Complex, Pioneer Street, Barangay Barangka Ilaya, kung saan siya nagtatraba­ho bilang pintor at stay-in sa naturang establisim­yento.

Ayon sa bayaw at kasamahan sa trabaho ng biktima na si Jayson Matotilla, ginising niya si Garina upang gumayak na sa pagtatraba­ho ngunit hindi na ito magising pa.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong 9:00 ng gabi ng Pebrero 21 habang kumakain ng isaw at sisig bago natulog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.