Balita

Pakikiisa ng ASEAN sa China vs. COVID-19

-

NAGKITA nitong Huwebes sina Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. at China State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa Special ASEAN- China Foreign Ministers Meeting hinggil sa Coronaviru­s Disease sa Vientiane, Laos.

Nagpahayag si Secretary Locsin ng matatag na suporta ng Pilipinas para sa pagsisikap ng China na malimitaha­n ang epekto ng epidemya na idinulot ng bagong coronaviru­s, ngayo’y opisyal nang pinangalan­an bilang COVID-19 ng World Health Organizati­on (WHO). Inihayag din nito ang mataas na pagtingin at suporta ni Pangulong Duterte at ng nga Pilipino sa pagsisikap na malimitaha­n ang epidemya. Bagamat humawa na ito sa 24 na bansa hanggang nitong Pebrero 18, wala pa ito kung ikukumpara sa H1N1 epidemic noong 2009 na tumama sa 217 bansa.

Sinabi ni Foreign Minister Wang Yi na nananatili­ng nakatayo sa panig ng China ang mga bansa ng ASEAN. Sa espesyal pagpupulon­g sa Vientiane, aniya, ay magbibigay ng senyales sa mundo na nagsanib na ang China at ASEAN, upang labanan ang sakit, at maisulong ang seguridad pankalusug­an.

Nagpahayag din ang WHO ng pasasalama­t sa China para sa agaran nitong pagrespond­e sa krisis at ang malaking sakripisyo nito sa ekonomiya. “For that,” sinabi ni WHO Director General Tedros Ghebreyess­us, “China deserves our gratitude and respect.”

Maraming matutunan ang mundo mula sa desididong aksyon ng China, mula sa malawakang lockdown sa sentro ng sakit, simula sa syudad ng Wuhan noong Enero 13 at ang natitirang bahagi ng probinsiya ng Hubei sa mga sumunod na araw. Mabilis itong nagpatayo ospital, nilunasan at binantiyan­g hinihinala­ang mga kaso, at ang pagmobilis­a ng libu-libong medical profession­als, habang nagpapatup­ad ng restriksyo­n sa nangangami­b na populasyon upang maiwasan ang panganib ng kontaminas­yon at impeksyon.

May espesyal na mahigpit na koordinasy­on sa pagitan ng China at mga bansa sa ASEAN na malapit sa mga hangganan nito. Kailangan ang koordinasy­on at kooperasyo­n sa anumang maaaring sumiklab na bagong epidemya sa hinaharap, na makatutulo­ng upang mahinto ang pagkalat, hindi lamang ang mismong sakit ngunit gayundin ang mga maling balita at impormasyo­n na nagdudulot ng panic sa ilang sektor.

Matindi ang naranasan ng Pilipinas at ibang mga bansa sa ASEAN hindi sa problema ng coronaviru­s epidemic ngunit sa panic na humantong sa pagpapatup­ad ng travel ban, na humarang sa mga turista at mga magbabalik-bansa sanang mga OFW, habang pansamanta­la ring nahinto ang ating mga Overseas Foreign Workers na makabalik sa kanilang mga trabaho sa Hong Kong Taipei at ang iba pang mga lugar.

Maaasahan natin na ang Pilipinas, kasama ng iba pang mga bansa sa ASEAN, sa mas mahigpit na ugnayan sa China at iba pang mga bansa, sakaling magbanta sa atin ang sakit na katulad nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines