Balita

Ang kadakilaan nina GOMBURZA

- Clemen Bautista

SA kasaysayan ng inibig natin Pilipinas laluna sa panahon ng pananakop at panunupil ng mga Kastila/prayle, ay maraming dakilang Pilipino ang nagpakita ng kanilang maalab at matapat na pagmmahal sa bayan. Marami ring nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa kalayaan at mga karapatan na sinikil ng mga mapanakop na dayuhan.

Marami ring Pilipino ang sumapi sa mga makabayang samahan Hindi inalintana ang mga hirap. Nagsakripi­syo at ang iba’y nag-alay at nagbuwis ng kanilang buhay, ng iba’y sa pamamagita­n ng pagiging propagandi­sta. Matapang at walang takot na isinulat, inilathala at binatikos ang mga pagsasalam­natala at pagpapahir­ap sa mga Pilipino. May mga nangibang-bansa at nagtungo sa Espanya at doon, tulad ng ibang mga makabayang Pilipino ay isinulat, binatikos at kanilang inilathala ang mga maling gawain ng mga prayle. Nagbunga ng pagdakip sa mga bayani nating manunulat. May namatay sa kulungan matapos ang mga mock trial o kunwa-kunwariang paglilitis. Marami rin ang hinatulan na barilin sa Bagumbayan (Rizal Park at Lunate na ngayon). Ang Bagumbayan ay nadilig sa tilamsik ng dugo ng mga bayani natin na binaril sa nasabiing makasaysay­an lugar ng ating bansa.

Mababanggi­t na halimbawa ang tatlong paring Pilipinong martir na sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora na lalong kilala sa tawag na GOMBURZA. Ayon sa kasaysayan, matapos ang mock trial o isang kunwa-kunwaring paglilitis, noong umaga ng Pebrero 17, 1872, sina GOMBURZA ay pinatay ng mga prayle sa pamamagita­n ng garote o pagbigti (machine strangulat­ion).

Ang Bagumbayan (Rizal Park na ngayon) ay maituturin­g na isang sagradong lugar sa ating bansa sapagkat nadilig dito ang mga dugo ng mga Pilipino at bayani nating ipinaglaba­n at nagtanggol sa kalayaan at mga karapatan na sinikil ng mga dayuhang mapanupil.

Sa isang bahagi ng sanaysay na sinulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal ay sinabi niya: “Kung wala ang 1872, maaaring wala ang ang Plaridel (Marcelo

H. del Pilar, Graciano :Lopez Jaena, at iba pang dakilang bayani. Maaaring si Dr. Jose Rizal ay naging isang Heswita at hindi niya naisulat ang kanyang dalawang klasikong mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibuster­ismo” na inialay niya sa alaala ng GOMBURZA.

Sa panahon ng mga prayole, ayon sa kasaysayan, ay mababa ang pagtingin nila sa mga Pllipino kahit matalino at may kakayahang mamahala sa parokya ang mga paring Pilipino. At upang matupad, inilunsad ni Padre Pedro Pelaez ang SEKULARISA­SYON – isang kilusan na ang tanging layunin ay mga paring Pilipino ang mamahala sa mga parokya.

Si Padre Pelaez ay vucar noon ng Manila Cathedral. Ngunit hindi nagtagal ang kilusan sapagkat bamatay su Padre Pedro Pelaez nang magkaroon ng isang malakas na lindol noong Hunyo 3, 1863.

Ang nasabing kilusan ay ipinagpatu­loy ni Padre Jose Burgos, ang pinakabata sa GOMBURZA. Naging estudyante siya ni Padre Pedro Pelaez sa Unibersida­d ng Sto. Tomas. Sa Vigan, Ilocos Sur isinilang si Padre Burgos. Si Padre Gomez na pinakamata­nda sa tatlong pari ay isinilang naman sa Sta. cruz, Maynila; at si Padre Zamora naman ay sa Pandacan, Maynila ipinangana­k.

Magkakatul­ong at puspusang itinaguyod ng GOMBURZA ang kilusan ng Sekularisa­syon. Ipinamukha sa mga prayle na ang mga paring Pilipino ay may kakayahang gumnap ng tungkulin sa Simbahan. laluna sa mga parokya. Hindi coadjutor o katulong na pari lamang.

Ngunit nalagot ang pangarap ng Gomburza sapagkat sila’y isinangkot sa Himagsikan o pag-aalsa sa Cavite noong ika-20 ng Enero, 1872. Matapos sumailalim sa isang mock trial at kumuha ng isang saksing sinungalin­g, hinatulan sina GOMBURZA ng kamtayan sa pamamagita­n ng garote ang tatlong pari.

ang pagiging martir (martyrdom) nina GOMBURZA noong umaga ng Perro 17, 1872. Ang kanilang martyrdom ay naging matinding inspirasyo­n sa mga Pilipino sa pakikipagl­aban sa mga karapatan at kalayaan na noon ay sinisikil ng mga dayuhang prayle.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines