Balita

Maging positibo lang sa buhay – Peña

- Annie Abad

Ang kakulangan ay hindi kadalasan pagkabigo ang dulot sa buhay .

Isa itong patunay sa naganap na aksidente sa buhay ng Bicolana na si Jhona Pena na sasabak sa unang pagkakatao­n para sa 2020 ASEAN Para Games.

Ang bangungot na naganap sa kanya noong siya ay 17-anyos pa lamang ang siyang kinakapita­n niya ngayon upang maging isa sa mga matatagump­ay na Para Athlete ng bansa.

Taong 2010 nang mawala ang kanang paa ni Pena sa isang malagim na trahendya nang banggain ng isang SUV ang trycicle na kanyang sinasakyan pauwi, kung saan sa pitong pasahero, kasama siya sa limang nakaligtas sa nasabing aksidente.

“Nasa tricycle po kami nun, sinalpok kami ng Fortuner, lasing po kasi yung driver, Namatay po lahat ng mga kasamahan ko pati na po yung driver. Ako lang po yung nabuhay.” kuwento ni Peña.

Dahil sa tindi ng pinsala kinailanga­n na putulin ang kanyang kanang paa mula tuhod pababa upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa kanyang katawan, habang ang kanyang kaliwang paa naman ay nadurog din dahil sa nasabing insidente.

Bagama't nalampasan niya ang nasabing trahedya, hindi naging madali para sa 26-anyos na si Pena ang pagdaanan ang naturang sitwasyon sa batang edad.

“Acceptance lang po talaga yung pinaka-unang process para po magpatuloy sa buhay. Focus na lang po ako sa positive kaysa sa negative. Mas marami pong blessings kung positibo ang ating perspektib­o sa buhay," aniya.

Hindi nawalan ng loob ang batang si Pena kung saan imbes na panghinaan siya ay nagsilbi pang imspirasyo­n para sa kanya ang bumangon sa kabila ng kakulangan.

Nagpursigi si Pena na maibangon ang sarili kung saan sumali siya sa isang kompetsiyo­n sa kanilang eskwelahan na siyang nagbigay ng daan upang makapasok siya bilang Para Athlete ng table tennis.

“Nagkaroon po kami ng ability games sa De La Salle College of Saint Benilde para po sa mga persons with disability (PWD) at doon po ako nadiscover nung friend ko na si Kuya Paolo, who by chance introduced me to national para table tennis Head Coach Louie Eballa.

Doon na po nag-start yung table tennis career ko,” ayon kay Peña.

Taong 2018 nang magsimula ang kanyang pagiging atleta at sumabak sa iba't ibang kompetsyon ng table tennis hanggang napansin ang kanyang galing at mapabilang sa naturang grupo ng mga Differentl­y Abled Athletes sa bansa.

Ngayon ay isa si Pena sa mga Para athlete na buong loob na sinusoport­ahan ng Philippine Sports Commission (PSC) kaya naman malaki ang pasasalama­t niya dito.

“Maraming salamat po PSC, dahil sa inyo po, hindi po naging hadlang sa paglalaro ko po ng table tennis ang nangyari sa akin kasi may tulong po kayo at suporta na ibinibigay po sa aming mga players so maraming-maraming salamat po. God bless you all,” pahayag ni Peña.

Kaya naman inaasahan na si Pena ay isa sa mga atletang pakaabanga­n sa nalalapit na hosting ng bansa para sa nasabing biennial meet.

“Sobra pong blessed dahil isa po ako sa napili para i-represent ang Pilipinas. Nakaka-proud po bilang isang PWD. Gusto ko lang po ay maging inspirasyo­n din sa mga kapwa ko PWDs.” ani Peña.

Kasalukuya­ng naghahanda si Peña at pusigdong makasabay sa mga dekalibren­g atleta na sasabak din sa kompetisyo­n.

“Kahit beginner pa lang ako, ayokong magpahuli sa mga magagaling. Dapat laban lang ng laban. Determinas­yon at tiyaga lang po talaga. Kung may pangarap ka, kailangang i-push mo lang yan.” ayon pa kay Peña.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines